Badboy.37 [Shoot]

32 1 0
                                        

Too many twists hahahaha sorry

**************

Third Person's POV

"You are under arrest" sabi ng isang lower year kay DK nung makababa ito mula sa platform.

Laking gulat ni DK na may posas na nakalagay sa kanyang kanang kamay. Gusto man nyang magpumiglas pero wala na siyang magagawa dahil nakaposas rin ang kaliwang bahagi nung posas sa kamay ng batang babae.

"Great! Sinong nagpa-kulong sa akin kiddo?" walang gana nyang tanong sa bata pero humagikgik lamang ito sa kanya.

"Sorry ate DK. Napagutusan lang" sabi nito at nag-peace sign na lamang.

Mag-wala. Yan nalamang ang tanging gustong gawin ni DK pero nakakahiya naman sa 'police' na kasama nya. Okay narin sa kanya para nakaupo lang siya sa may jail at walang gagawin kung hindi maghintay nang may magpapyansa sa kanya.

"Ate DK, bakit ka nya pinakulong?" walang anu-ano na tinanong ng bata. Kaya napalingon naman si DK sa katabi nya.

"Ahmm, sino ba nagpakulong sa akin?" huminto yung bata kaya napahinto rin si DK sa paglalakad.

"The freshman dude na sobrang nakakatakot yung itsura pero gwapo. Matangkad sya then tan skin. Tapos medyo singkit yung mata." natatawa si DK sa bata dahil may kasamang actions ang pagpapaliwanag nito.

Nag-nod nalamang sya dahil mukhang kilala nya na kung sino ang may kagagawan ng lahat na ito.

"Ayun ate oh, sya" turo nung bata sa isang room kung saan nakapwesto ang kanilang jail booth.

"Nako ate, ingat ka dyan ha. Balita ko badboy yan" nag-aalalang sabi nito kaya nginitian na lang ni DK sya.

"Don't worry, he's harmless." sabay ginulo nito ang buhok ng bata gamit ang kaliwa nyang kamay.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang makarating na sila sa loob ng room kung saan andun ang jail booth.

Pinasok ng bata sa loob ng selda si DK saka tinanggal ang pagkakaposas nito. Muling nilock ng bata ang ginawa nilang kulungan at umalis na ito.

Napatingin nalang si DK sa ngayon ay kasama nya sa loob na nakaupo lang at nakasubsob ang ulo nito sa kanyang tuhod. Naglakad papalapit sa kanya si DK at tinabihan ito pero nasa kabilang sulok sya naupo.

Nanatili silang dalawang tahimik at naghihintayan kung sino ang unang magsasalita.

Di na nakapag-tiis si DK at nauna na syang magsalita. "What do you want?" ngayon ay napa-angat na ng kanyang ulo si Lennon at tumingin ng diretso sa may labas.

"Sorry" nagulat si DK sa narinig kaya napatingin sya sa binata. "Im sorry for acting cold on you." this time nagkatinginan na ang dalawa.

"Naguluhan ako. Aaminin ko yun! Nasaktan ako sa naging sagot mo." napa-alis ng tingin si Lennon matapos nya itong masabi sa dalaga.

"I- I don't know what to say anymore." natawa nalang silang dalawa dahil sa nangyayari.

"You're funny" sambit ng dalaga. Tumayo si Lennon at lumapit ng tabi kay DK.

"Im not good in this kind of things" muling sabi ni DK kay Lennon at nag-nod naman ang binata.

"Pareho lang tayo" muling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Naririndi si DK sa sobrang katahimikan na meron sa kanilang dalawa kaya minabuti nitong magsalita na lamang.

"Aside from this, bakit mo pa ako pinakulong? Pwede naman tayo mag-usap nalang sa labas." napatingin sa kanya si Lennon.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon