Badboy.7 (Adrenaline rush??)

61 2 0
                                        

Enjoy xx

ig: modernpandora_
twitter: @siesiezii

*********************

Gail's POV

August na. Ang bilis ng araw, parang kailan lang pasukan namin. Tska boring yung mga nangyari sa amin nung June and July nothing to share about.

Dahil August na ngayon ay ganun parin August padin. De joke! Ayun, buwan ng wika na namin. Pinag-uusapan ng section namin kung ano ang gagawin. E since next week ay merong pageant., ang problema di namin alam kung sino ang ipanglalaban namin. Alam nyo naman, ang mga kasali sa class officers ay pinaglalaruan lang.

Alam nyo kung sino? Si Seisha lang naman po ang Muse. HAHAHAHAHAHA! Libre pong tumawa. Kaya ayan ang problema, siya. SIYA MISMO!

"Oh ano? Sino na gusto nyong ipanglaban?" paulit-ulit na tanong na naman ni DK. Hay nako, class president nga naman.

"Ako na nga lang kasi DK" ayan, kanina padin yan nagrerequest na siya na lang.

"Manahimik ka Seisha." biglang nagdabog si Seisha at nag-pout. "Oh, sinabi na ngang wag kang mag-pout. Nagiging kamukha mo si Ugly Duckling e."

"HAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan na naman kaming lahat. Wala e, si DK yan e. Walang makakagawang sumabat dyan kung ayaw mong mapag-malditahan.

"Kilala ko na kung sino ipanglalaban natin." biglang tumayo si DK. Yes! sana ako na. Ako na piliin nya. Gustung-gusto ko ako kasi si Sky ang Escort. Wuhooo!

"Tricia, ikaw na lang!" Yes! a-ano daw? "Si Tricia na lang, naalala ko kasi sinabi nya na pangarap nyang mailaban sa pageant. Yes! Sure win tayo pag si Tricia!" ang siglang sabi ni DK. Wow! Grabe, best friend ko ba yan? nakakatampo. Simula nung dumating si Tricia, si Tricia na lang bukangbibig nya.

"Thank you DK! Sige, baba na ako para makapag-rehearsal nadin ang section natin. Tara Sky!" bumaba na yung dalawa. Nakakatampo talaga!

after 5 minutes

"Oh Sky? Ba't ka umakyat agad?" nakita ko kasi si Sky na palapit na sa akin. Baka ayaw nya ng partner nya, baka ako talaga ang gusto nya.

"Ayaw ko kasi. Si Paul na lang pinababa ko. Ayoko ng partner, ok sana kung si DK kaso hindi. Sige una na ako sa loob!" BANG! Ayan na naman. Si DK na naman. Kailan ba magiging ako? Pumasok na lang ako ulit sa room.

Pero ayan na naman. Si DK at si Jhune, nagtatawanan na naman. Umupo ako ng patabog. Buti na lang sa likod ko na sila. Pero naririnig ko parin yung tawa nilang dalawa. Nakakainis! Past ko na si Jhune pero bakit nabibitter parin ako kahit sa sariling kaibigan ko?

"Lumingon ka rin kasi sa iba. Hindi yung puro sila lang!" ayan na naman si West sa mga linya nya. I crumpled the paper on my desk and threw it at him.

"Manhid na ako sa ganyan Gail. Pero tandaan mo, kung kaya ko lang higupin lahat ng sakit na nararamdaman mo ginawa ko na. Kaso wala pala akong karapatan kaya wag na lang." h-huh? problema nun? Ang haba lagi ng sinasabi tapos biglang mag-walk out. Tsss... Paranoid!

Lennon POV

Day na ng pageant kaya wala kaming klase. Minsan masaya din magpa-laban itong bakla naming teacher e. Kaya ito lahat kami nasa auditorium para suportahan yung classmate namin.

"Magandang Tanghale sa inyong lahat. Matutunghayan natin ngayon ang paglabas ng mga kandidato para sa ating Ginoo at Binibining Wika. Bigyan po natin sila ng masigabong palakpakan!" nagpalakpakan naman lahat at isa-isa ng naglabasan ang mga kalahok. PWE! Bayan, nahawa ako sa lalim ng salita ng baklang teacher na yan.

Naglabasan na lahat pero bakit ganun? May hinihintay akong lumabas?? Pero hindi siya yung lumabas. Ah, hindi pala siya yung nilaban. Kaya napalingon ako sa paligid para hanapin siya. At di nga ako nagkamali, andun siya. Automatic akong napangiti. Ang ganda nya sa suot nya. Para talaga siyang binibini.

"HOY!" nagulat ako kay John. "Ang sabi palakpakan yung classmate natin at manuod sa pageant hindi sa kanya." sinamaan ko na lang siya ng tingin at biglang umalis. Wag nga akong asarin e, baka madulas ako bigla.

"At ngayon ay malalaman na natin kung sino ang ating Ginoo at Binibini ng Wika." Hala, awarding na pala? Kanina pa pala ako nakatingin sa kanya... Grabe, kabighani!

DK POV

Ayan na, sasabihin na yung mananalo. Crossfinger. Sana si Tricia at Paul... kyaaaaaaah!

"Kasi e, dapat ako na lang yung sinali. Sure win agad!" napatingin ako sa katabi ko.

"Gusto mo busal?" umiling siya at nanahimik na lang. Ako tumingin ulit sa stage at hinihintay kung sino yung tatawagin. Pero bakit ganun? feeling ko may nakatingin sa akin. Kaya lumingon ako pero isa lang ang nahuli ko, yung lalaking crush ni Seisha pero nung lumingon ako biglang umiwas ng tingin. Problema nun????

"At ang ating Ginoo at Binibini ng Wika ay walang iba kung hindi si Jeddyk Santos at Tricia Fortalejo." w-whooow! S-si Tricia yung Binibini ng Wika???

"Ohh Myy God, Ohh My god! Nanalo tayo, nanalo tayo!" nagtatatalon na kami lahat sa tuwa at sa di inaasahang mangyayari ay napayakap sa akin si Sky. Adrenaline Rush ay naitabig ko siya tapos napalingon ako sa pwesto nung lalaki na crush ni Seisha at ba't ganun ang sama ng tingin nya??? Napa-takbo na lang ako palabas.

ANONG NANGYAYARI SA AKIN?

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon