Badboy.9 [Ng dahil sa truth or dare]

60 1 0
                                    

Nag-update po ako ha, baka di nyo po nabasa. Dalawa ako today e. Enjoy xx

Ig: modernpandora_
Twitter: @siesiezii

*************

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaah, DK! DK! DK! I already know his name. Yes, after 3 months of searching. FINALLY!" Talon ng talon sa tuwa itong si Seisha.

"Di ka namang tuwang-tuwa nyan?" walang ganang sagot nya sa kanina pa pangungulit sa kanya ni Seisha.

"Gosh, ang gwapo ng name nya. Lennon! Kyaaaa------"

"Pila na Girl Scout. Isa, dalawa, tatlo, apa---" mas mabilis pa sa alas kwatro ay nag-form na ang mga girl scout na kung saan si DK ang Scout Master. Napatawa siya ng palihim ng biglang nag-pout si Seisha dahil hindi niya ito pinatapos.

Nagsimula na ulit siya sa pagtetrain ng mga iinvestiture na Girl Scout at kanyang ipapas ang kanyang pwesto sa susunod na Scout Master.

----

"Mr. Cuevas!" napalingon si Lennon na nagmamadali na pumunta sa ground dahil late na naman siya sa training. "Ba't absent ka nung awarding? tuwang tuwa pa naman ako dahil aawardan kita na 2nd sa Math." napakamot na lang sa ulo si Lennon at pinipilit na huwag maalala yung dahilan dahil inis siya kasi nagpaapekto din siya.

"Kukunin ko na lang po sa inyo mamaya yung award ko ma'am. Una na po ako, may training pa. Bye!" mabilis siyang tumakas kahit tinatawag pa siya ng kanyang guro pero wala na siyang pake. Takot man siya dun mas takot parin siya sa head ng Rovers.

----

"Scout benediction" sigaw ng Senior Patrol Leader.

"until we meet again" tapos na yung training kaya balik dati na naman ang buhay ng mga estudyante. Yung iba nagtakbuhan papuntang canteen dahil sa gutom na training. Pero itong si Lennon ay na-corner na naman ni Jeddyk.

"Problema mo?" maangas na tanong ni Lennon. Si Jeddyk Santos ang pinaka-matalik na kaibigan ni Lennon sa buong school dahil silang dalawa lang ang nagkakasundo sa mga bagay-bagay.

"Ililibre na kita ng merienda. Sa sobrang lalim ng tingin mo sa batang yun makain mo na. Tara" napa-'tss' na lang si Lennon. Napaka-talas kasi ng tingin ni Lennon kay Sky na nakikipagtawanan kanila DK.

"Hahahahaha, sira. Teka lang ah." umalis si Sky at nagdiretso sa may canteen. Bibilhan nya ng Pillows si DK. Nung nasa counter na siya ay bigla siyang binangga ni Lennon.

"Problema mo???" tanong ni Sky na irita na. Si Sky kasi ang taong mabilis mapikon.

"Problema ko? Mga kutong lupa na tulad mo." maangas na sagot ni Lennon.

"Anong sabi mo?" umabante si Sky papunta kay Lennon.

"Ang laki ng tenga mo di mo narinig??" aabante na sana si Lennon pero humarang agad si Jeddyk.

"Ahm, Sky ako na bahala dito. Sige na mga tao magsi-kain na kayo!" tska lang napansin ng dalawa na halos sa kanila nakatingin ang mga estudyante.

"Kausapin mo yan kuya Jeddyk ha." umalis na naka-busangot si Sky at bumalik sa pwesto nila DK. Samantalang si Lennon naman ay nanggagalaiti parin sa inis.

----

Nasa room na ulit ang buong klase pero dahil kakatapos lang ng kanilang training ay wala munang klase. Kaya ang klase nila DK ay nakaisip na naman ng kalokohan sa pangunguna ni Gail.

"Ang corny mo talaga kung mag-isip kahit kailan Gail." binato siya ng maliit na papel ni DK.

"Aray ah! Bestfriend ba kita?" pagrereklamo ni Gail.

"Ay sinong nagsabi papatayin ko?!" matapang na sabi ni DK na siyang kinasimangot ni Gail at biglang tumayo. "Oh? walkout na yan oh. Ano Hollywood actress lang ang peg? Bumalik ka dito di bagay sayo !" agad namang umupo ulit si Gail na patabog.

"Dali na kasi laro na tayo nito!" makulit na sabi ulit ni Gail. Nagkatinginan ang lahat.

"Pagbigyan na nga yan, baka umiyak pa mahal gatas!" tawanan ang lahat kaya babatukan sana ni Gail si Sky pero bigla niyang hinarang si Jhune. "Jhune yung ex mo oh!" pero bigla namang hinatak ni West si Gail kaya muling nagkatinginan ang lahat.

"Ahem! tara laro na. Umpisahan ko na ah!" pagbabasag ni Trisha ng katahimikan pero dahil sa ginawa nya ay sa kanya tuloy tumapat yung bote.

"Hala ba't ako agad? ang daya!" biglang nag-ala bata si Trisha kaya tawa ng tawa ang lahat.

"Dahil ako katapat mo ako magtatanong. Truth or Dare Beauty Queen?" matapang na tanong ni Seisha.

"Dare." matapang rin na sagot ni Trisha kaya napa-'Ohhhhhhhhhhh' ang lahat.

"Ahm, ano ba??? Ahhhhh. I dare you na you kiss the guy na you super super crush here in our room. Go!" bigla namang tumayo si DK at nag-abot ng 50php kay Seisha. "What is this about?"

"50php para sa isang oras na English tutor. Ang conyo at wrong grammar mo e." tawanan ang lahat at nag-pout si Seisha. "Oh wag sabing mag-pout e!"

"Oo na. Ang sama ni DK. Ayan tuloy, sige na nga Trisha gawin mo na yung dare!" nahihiyang pang tumayo si Trisha pero after ng pag-chicheer sa kanya nila Gail at DK ay tumayo narin siya at diretso kay Sky at hinalikan sa pisngi na siyang kinakilig ng buong klase.

"Yiiiiiiiiiie, I knew it I knew it. Yung mga tingin mo kay Sky iba e. Sabi na may gusto ka sa kanya e. Im so happy with you best." tuwang tuwa namang sabi ni DK na kinalungkot ni Sky.

"Osha tama na yung pangaasar nyo. Iikot ko na ulit yung bote." inikot na ni Tricia yung bote at tumapat kay Jhune. "Ahem, mukhang mapapasubo ata si Lover boy dito ah. Osha, Jhune Truth or Dare?"

"Truth. Ayusin mo itatanong mo Tricia nako lang. Di ka na namin susupplyan ng Glutha." binato ni Tricia ng bote si Jhune. "Grabe ka Tricia, sadista!" hinimas ni Jhune yung ulo nya. Pero di nila alam na ang sama na ng tingin ni Gail kay Tricia.

"Kung anu-ano na naman pinagsasabi mo dyan e. Oh eto na, diba ex mo na si Gail. Here's the question. Mahal mo pa ba siya?" lahat ng tingin nailipat kay Jhune na naghihintay ng sagot. Habang si Gail naman ay kinakabahan sa kung anong isasagot ni Jhune. Siya ay humihiling na 'OO' sana ang isagot nito.

"Hmmmmmm...... Hindi !" Matapang na sagot ni Jhune na napa-react ng kung anu-ano ang mga kaklase nya. Si Gail naman ay ngumiti na may halong lungkot sa mga ito.

"Past is past nga kasi diba?!" pilit nyang tinatago ang sakit sa pamamagitan ng kanyang mga ngiti. Pero si DK ay hindi nya kayang mapaniwala. Nagkatinginan ang dalawa at napailing nalang si DK pero inirapan na lang siya ni Gail. Nagpatuloy ang laro nila na huminto naman kay

"Nako po. Aayusin ko ang tanong dito kay DK baka ma-jombag tayo!" inirapan lang ni DK si Jhune.

"Wag mo ng itanong. I go with Truth." napa-'oooooooohhhhhh' ang mga kaibigan nila dahil sa tapang ni DK.

"Tapang ah... Ok game, meron kasing ISA dito na gustong itanong sayo ito. Ahem, ready ka na bang magka-bf. Bakit?" nagpaikot ikot muna ng tingin si DK bago sumagot.

"Hindi." napa-tingin ang lahat kay DK at naghihintay ng paliwanag nito. "Di naman minamadali ang pag-ibig e. Di pa ako handa at magiging handa lang ako kung kailan ko gusto. E dahil di ko pa gusto ayaw ko muna mag-bf. Simple as that!"

"Sabi ko sayo busted ka na naman kahit di mo pa siya ulit tanungin e." bulong ni Jhune kay Sky. Pinilit parin ngumiti ni Sky. Ngayon pareho silang plastic ni Gail sa harap ng mga kaibigan nila dala na mismo ng sarili rin nilang mga mahal.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon