Badboy.25 [Happy lang]

26 1 0
                                        

Ang sayaaaa ko! Wala akong dos yeheyyyy! Enjoy this chapter xx

Twitter: @siesiezii
Instagram: modernpandora_

********

Gail's POV

"Merry Christmas!" greetings sa amin ni T. Lyra

"Merry Christmas din po maam!" sigaw naman namin sa kanya.

"Dahil dyan, keep your notes. Arrange the chairs and we will start" masaya nyang sinabi sa amin.

"Ahhhhhhhhhhhhhhwwwwww!" nakakatamad. Instead na mag-party nalang kami we have to deal with our last exams.

Ilang beses ko na ito nirereklamo kanila papa na sana baguhin yung schedule pero ayaw nila. Hay nako!

Pagka-ayos namin nung mga chairs ay nagpray muna tapos binigay na ni maam yung mga test papers namin.

Unang exam, Filipino. Unang question palang gusto ko ng umiyak. Naasar ako! Bakit kasi wala akong sipag magreview. Ayokong mangamote takte!

Nilagtawan ko muna yung mga questions na di ko alam yung sagot at sinagutan muna yung sure na sure ako.

Di pa ako nakaka-20 minutes sa pagsagot ay nagpasa na ng test paper nya sila Jhune.

"Bilis ah!" bulong ko nung makabalik sila.

"Wanna play the hula hoops?" may halo pa syang pagsayaw. Nako babatukan ko talaga itong si Jhune e.

Nung nainggit na ako dahil halos lahat nakapag-pasa na ng test paper ay nagpasa narin ako. Bahala na si Batman!

After nun binigay narin yung next, TLE. Ha ha ha! Ang naalala ko lang yung mga utencils. Paano na ako magiging honor nito?

Na-survive ko naman kahit papaano yung exam sa TLE.

"Wag na kayo mag-break para dirediretso na. Oh magsi-ayos na kayo at ito na ang last exam." sabi sa amin ni maam.

"Lets do this!!!" sigaw ni Jhune. Hyper ah! Parang ewan lang.

Pinamigay ulit ni maam yung mga test papers tas sinagutan na namin yung sa MAPEH.

"I'll be back" umalis muna si maam.

"Okay. Anong sagot sa no.1?" bulong ni GP.

"Teka di mo pa nga nababasa nagtatanong ka kaagad." sagot naman ni Edrick.

"Guys sunod sunod ata sagot e?" tanong ni Sky

"Mga gunggong kayo. Pabaliktad lang yung sa matching type hahahahaha" sigaw ni DK.

Okay salamat sa mga sagot. Si DK na nagsabi lahat e. Minsan talaga may pagkamabait din naman ito e. Pero minsan lang talaga kaya sulitin na.

Nung makabalik si maam ay nagulat sya dahil sabay sabay kaming nagpasa ng mga test papers.

"Wonder pets ah?!" sabay tawa. "Okay see you on January 6 enjoy your Christmas Break" sabay umalis na sya.

"Yeheyyyyyy! Party party na" nagstart na silang magpatugtog. Kaming mga girls naman inayos na yung mga tables and chairs.

"Guys kunin lang namin yung foods sa baba." sabi sa amin ni Seisha.

Kami naman ni DK nagdesign narin sa may blackboard at naglagay ng Merry Christmas. Yung iba ayun nagsipuntahan na sa ibang rooms at nakikain agad.

Nung matapos na naming ayusin yung room ay nagsibabaan narin kami dahil may performance ang bawat levels.

Andun kami lahat sa may quadrangle at naupo sa may sahig. Excited na ako. Sana okay yung presentation namin dahil ni isang beses wala kaming maayos na practice. Ang saya diba!

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon