Badboy.18 [reality sucks, Sky!]

51 1 0
                                    

Read Beat of My Heart. Thank you po hehehe

Twitter: @siesiezii
IG: modernpandora_

***************

Sky's POV

One week na ang nakalipas nung manalo si Gail sa Science Quiz Bee. One week naring di ko nakakausap si DK. Wala kasi akong phone, nasira. Oo ako na pulube! Tska tinatamad akong mag-online!

Dahil sa sobrang bored ko. Kinuha ko yung walis at dustpan. Maglilinis na lang ako ng bahay. Tutal ang tagal ko ng di ginagawa ito e.

Nag-punta ako sa may kusina. Dun muna para iipunin ko yung mga kalat hanggang sala tapos ikakalat ko ulit hindi joke lang. Dun ko na dadakutin para isahan lang.

Nag-umpisa na akong maglinis. Di naman ganun kakalat sa may kusina dahil nga lugar yan ni mommy. Laging malinis dahil galit yun sa kalat. Wala kaming yaya kasi nga malalaki na kami tska di na kailangan ok na kaming si mommy lang ang babae sa bahay. Puro kami mga lalaki e.

Nung nakapag-walis na ako sa may kusina ay dinala ko na yung onting dumi sa may sala saka na ako ulit nagwalis. Inayos ko yung mga magazines at nilagay sa ilalim nung mesa sa may gitna. Nagpunas din ako ng mga decorations dun. Ito kasing si mommy mahilig sa mga vase e.

Winalis ko din yung ilalim nung mga silya at pinunasan narin ito. Nakakahiya naman kasi kay Pedro e. Ang kalat pag umuuwi dito! Palibhasa kasi may trabaho kaya yun ang laging palusot. Pagod daw siya! Sus mukha nya!

Nung matapos ko ng walisin lahat at alikabukan ay dinakot ko na yung mga dumi. Grabe, ganun pala kung maglinis si mommy. Promise ko di na ako magiging makalat. Nakakapagod maging nanay pala. Ikaw na nga magluluto, ikaw pa maglilinis, maglalaba, magpaplantsa, tapos aalagaan mo pa yung mga anak at asawa. Kaya pag ako talaga nag-asawa sa bahay lang si DK at di ko na siya pagtatrabahuin.

Mag-hire ako ng kasambahay at siya ang maglilinis. Ang tanging gagawin lang ni DK ay alagaan ang magiging anak at ako. Siya ang reyna ng bahay at walang makaka----

"Wow ang galing ni bunso nag-linis." ay potek. Epal talaga oh. Kitang nagdedaydream ako e. Tsk!

"Subukan mong magkalat kuya." naupo siya dun sa may sofa na kaka-ayos ko lang sabay pinatong yung paa sa may mesa. Potek, ano ito boss?

"Ito naman! anong nakain mo at ganyan ka kasipag ngayon ha?"

"Ewan ko sayo kuya alis ka nga dyan." tinapik ko yung paa nya.

"O baka naman may LOVEnat ka na talaga kaya ka ganyan? Hahahahaha." tingnan mo itong higante na ito. Nang-uurat pa e.

"Kuya tigilan mo nga ako." umayos na siya ng upo sabay tingin ng mapang-asar sa akin.

"Nako, inlove na talaga ito kay DK noh." sinamaan ko na siya ng tingin.

"Tumigil ka na nga Pedro." nag-iba na agad ang ayos ng mukha nya.

"Dahil tinawag mo ako sa pangalan na ganyan hindi ko na ibibigay sayo ito." may nilabas siyang brown envelope sa may likod nya.

"Ayan na ba yun?" para akong bata na tuwang tuwa.

"Oo. Ibibigay ko na sana kaso binadtrip mo ako brad."

"Ito di ka mabiro. Pinagtitripan mo rin naman ako kanina e. Kwits lang tayo!" inaabot ko yung envelope kaso hindi ko kaya. Ang laki ng kuya kong ito e.

"Ayoko nga. Hahahaha." itinaas nya yung kamay nya. Ako talon naman ng talon para maabot. Potek, hintayin mo kuya na tumangkad ako bigla.

"Kuya akin na. Sige na "

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon