Badboy.14 [Floody buddy]

37 2 0
                                    

Twitter: @siesiezii

Ig: modernpandora_

**********

DK POV

Sembreak naaaaaaaaa ^_________________^v ang saya lang. Teka nga! Nagugutom na ako e. Nagpunta na ako sa may kusina namin. Sembreak nga ngayon pero wala naman akong magawa. Nakakainis!

*vibrate.vibrate*

Aba may nagtext. Hahahaha! Tiningnan ko kung sino yung nagtext. Psh! Aba't nagparamdam na siya ha. Kaso di ko alam kung GM ba ito o PM. Nag-goodevening lang kasi e.

To: Lennon Kumag

PM o GM?

Tska ko tinago yung phone ko. Kyaaaaaaaa! Yung mga alaga ko sa tiyan nakalimutan kong pakainin. Kumuha ako ng peanut butter tapos pinalaman ito sa may tinapay.

Lalamon na lang ako. Ay teka! Bukas na nga pala undas noh? Kaya pala panay horror yung palabas ngayon. Oh well! Nagpatuloy na lang ako sa pagpalaman nung tinapay ko.

*vibrate.vibrate*

ayy?? mamaya ka na. Kakain muna ako! Nung matapos ko ng palaman yung 5 tinapay ay pumunta na ulit ako sa may sala. Movie marathon ako ngayon. Hmmmm... Ano ba magandang panuorin ngayon?

*vibrate.vibrate*

Kung 13 ghost kaya? Hmmm pwede din. Ano pa? Ahmmm, ah Texas Chainsaw. Naghanap pa ako ng magandang palabas. Trip kong takutin ang sarili ko ngayon. Ha-Ha-Ha!

*vibrate.vibrate*

SA WAKAS! After how many years natapos ko narin ang paghahanap ng magandang palabas. Una ko munang papanuorin is Monter House, tapos Monster Inc, then huli ko na yung ScoobyDoo. Bongga!

Sinalang ko na yung papanuorin ko tapos umupo na. Grabe mag-isa lang ako. Nasaan ba kasi yung mga kapatid ko?

*vibrate.vibrate*

Grabe, iyak tawa na ako sa pinapanuod ko. Di ko alam sa sarili ko kung bakit ito yung mga pinapanuod ko. E sa ito talaga e! Pang horror rin naman ah, animated nga lang. Hihihihi!

*vibrate.vibrate*

Teka nga, pang-last ko na itong pinapanuod ngayon ko lang naalala na may katext nga pala ako. Asan ba yung phone ko? Tiningnan ko yung sofa pero wala. Yung bulsa ko wala. Hala san ko ba nailagay yun????

AYY OO NGA PALA! Tumakbo ako sa may kusina at dun ko nakita yung phone ko. Langya! May short term memory lost na nga talaga ako. Hay nako!

Pagka-kita ko sa phone ko ay

O________________________O

Walanjo! 38 msgs and 55 missed calls from Lennon. Anong sapak nun?

So yun bumalik na ako sa may sala at umupo tska pinagbabasa yung mga texts nya. Ang landi kasi!

From: Lennon Kumag

Paano ko masasabing mahal kita?

Kung palaging may ibang taong nauuna sa tuwing lalapitan kita?

Magandang Gabi.

GM

Inlove?

From: Lennon Kumag

PM yun. Gwa mo?

Ay PM pala akala ko GM. Uso kasi yun e, PM na GM. Bwisit lang x___________x

From: Lennon Kumag

Uy, busy ka? :/

Hala! naka-10 ganun siya ng text tapos sumunod naman nagtatanong kung galit daw ba ako? Bayan, galit agad? Di ba pwedeng wala munang load o may ginawa lang. Kaloka! Nagsisimula na naman akong magmaldita dito. Tsk!

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon