Badboy.34 [Confrontation]

21 1 0
                                        

Multi-tasking queen goes to me lol annyeong!

Twitter: @siesiezii
Ig: modernpandora_

Vote and comment ♥

**********

Jhune's POV

"DK,ano ba kasi yun? Bakit ka ba nagagalit sa akin?" ilang ulit ko ng pangungulit kay DK dahil hanggang ngayon di pa rin nya ako pinapansin. Kahapon kasi pagkapasok ko sa room bigla nalang syang nalaglag sa upuan nya tas ayun badtrip na sya sa akin. Ganun ba ako kagwapo para malaglag sya sa upuan nya?

"Wag mo 'kong kausapin!!" sigaw nya sa akin habang naglalakad palayo sa akin. Di ko na sya hinabol, bahala sya. Tinotopak na naman yung menopausal girl!

Napakamot ako sa ulo ko, di ko talaga alam kung bakit hay nako! Naglakad nalang ako papunta sa may pwesto ko habang inaayos yung ibang props na gagamitin namin mamaya.

"Oo, mamaya na." napalingon ako sa may likod dahil may narinig akong nagsasalita. Hinanap ko naman kung san galing yung boses na yun.

"Sige pipilitin ko si DK. Basta ha, pag pumayag tayo partner okay?" san ba nang gagaling yung boses na yun?

Naglakad ako papunta sa may likod nung poste at dun may nakita akong babae na nakatalikod.

Parang familiar yung boses? Pati yung likod! Sino ba ito? Lalapit na sana ako pero bigla itong akmang lilingon na.

Ayan na, mukhang maganda ito ah! Ganda ng likod e! Kaya umayos ako ng tayo at inaabangan na lumingon yung babae.

"Ahhhh!" turo ko sa kanya nung lumingon sya.

"Oh my gosh! Kanina ka pa ba andyan?" sabay napatakip sya sa may bibig nya.

"Lintik na! Nadale ako ng likod mo ah!!!" sabi ko habang napahawak ako sa may buhok ko.

"E ano ba kasing ginagawa mo dito?!" turo nya sa akin.

"Bakit mo ako sinisigawan?!" turo ko din sa kanya.

"May narinig ka ba?!" sigaw nya ulit sa akin pero mukhang kinakabahan sya. May tinatago ba itong babae na ito?

"Wala!! Bahala ka dyan!" nilayasan ko sya. Naririnig ko pa na tinatawag nya ako pero di ko sya nililingon.

Langhiya na yan! Si Seisha lang pala yung babae. Akala ko kung sinong maganda!

Nagugutom na ako! Bababa nalang ako tutal lahat naman sila kumakain na.

Nung makarating ako sa may canteen ang daming tao. Ay tutal andito naman lahat inayos ko yung uniform ko at sabay hawi ng buhok ko.

Pumasok ako sa loob ng canteen na naka chin up sabay lakad na parang model! Sa gwapo kong ito? Nagsitabihan yung mga estudyante dahil ayaw nilang mabangga ako.

Lumingon ako sa may kaliwa ko at kinindatan yung ibang lower year. Kita sa mukha nila ang pagkakilig sa akin. Naglakad ako ulit at lumingon naman sa may kanan ko.

"Hi!" bati ko sa babae na kanina pa nakatulala sa akin sabay nahinatay sya.

Tsk! Iba talaga ang kagwapuhan ko!

"Mamaya na kayo magpapicture girls" sabi ko in my husky voice sa mga ibang group of girls din na pinipicturan ako.

Nung bumalik na ulit ako sa paglalakad nakita ko yung mga tropa ko na nakatingin sa akin kaya naglakad ako papunta sa pwesto nila.

"Yow fans!" maangas kong punta sa kanila at nagpose ako ng mga pang cover pose.

"Hoy Jhune!!!" binatukan ako ni Gail.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon