Third POV for this chapter. Enjoy xx
ig: modernpandora_
twitter: @siesiezii**************************
Nasa isang competition ngayon si DK at ngayon ay may sinasagutan ngunit sya ngayon ay sinusumpong ng kanyang sakit. Di nya magawang makapag-concentrate kahit anong gawin nya.
"DK, focus. Kailangan mong manalo sa competition na ito." sabi nya sa sarili nya. Magsasagot na sana siya ng isa pang tanong pero biglang may pumitik sa sentido nya.
"Ugh!" napahawak siya bigla sa sentido nya na agad inalarma ni Gail.
"Huy DK, ok ka pa ba? Umuwi ka na lang baka atakihin ka pa dyan lalo." tinaasan lang siya ni DK ng kilay at sumenyas na 'dun ka'. Agad ding umayos ng upo si Gail at nagsagot na rin.
"Pens up!" napa-angat ng ulo si DK at di makapaniwalang naubos nya yung 10 minutes na di man lang natapos sa pagsasagot. Na-alarma sya sapagkat hanggang pang-apat na tanong pa lang ang nasasagutan nya. Di nya na muling nasagutan ang kasunod sapagkat kinuha na ng Proctor nila yung answer sheets at ito'y kinalungkot nya.
------
"Napaka-sisiw naman ng Difficult Round nila." pagmamayabang na sabi ni Lennon. Inumpisahan nya na ang pagsasagot. Dahil hindi naman sa pagmamayabang ay matalino naman talaga si Lennon, sadyang tamad at napapatropa lang siya.
Wala pang sampung minuto ay pinasa nya na agad ang answer sheet nya sa proctor at mayabang na uminat.
Umupo na siya sa upuan nya talaga at sinubsob ang mukha sa arm chair nya. Pero bigla naman niyang naalala si DK. "Nakasagot kaya yun ng maayos??" di siya mapakali dahil sa nangyari dun kahapon. Bigla namang may kumatok at pumasok bigla sa room nila. Teacher din nila!
"Ma'am excuse po. Si DK po inaatake na naman." agad na agad tumayo yung proctor nila at umalis. Kinabahan naman bigla itong si Lennon at di mapigilang di mag-alala
-----
"DK, lumabas ka na dyan. Wag kang ganyan tinatakot mo naman kami e." tarantang taranta ang mga kaklase ni DK lalo na si Gail dahil ilang beses nya ng nakitang nagkakaganito si DK. Bigla namang dumating ang pinaka-head ng buong grade department.
"Ako na bahala dito Gail. Yung mga classmates mo pakalmahin mo na yung mga yan. Baka dumagdag pa sila rito." agad na sumunod si Gail at panay katok naman ang Guro sa pinto upang palabasin si DK.
"DK anak lumabas ka na dyan. Andito na si Teacher sige na." agad namang lumabas si DK na pulang pula na kakaiyak at hinahabol ang pag-hinga. Napayakap naman ito agad sa guro.
"Tama na sa pag-iyak ha. Ayos lang na natalo ka anak, may susunod pa naman. Di porket natalo ka ngayon ay talo ka na sa lahat. Nagkataon lang na di para sayo itong taon na ito. Wag mong sayangin ang luha mo baka atakihin ka lalo. Sige lalo kang mahirapan!" unti-unting tumigil sa pag-iyak si DK at inayos ang sarili.
"S-salamat po t-teacher. N-nadala lang p-po siguro a-ako ng takot kanina na baka d-di na naman ako p-pansinin nila D-daddy dahil n-natalo ako."
"Di na yun mangyayari ha. Kaya pumunta ka na sa room nyo at icongratulate mo na lang yung nanalo. Ito lang masasabi ko, bumawi ka na lang. There is always rainbow after the rain remember? Go and smile na!" napangiti naman agad si DK at dumiretso sa room nila.
Nang makarating siya sa room nila ay pinagtitinginan siya ng mga kakalase nya pero tulad ng dating DK ay dirediretso lang siyang pumunta sa pwesto ng nanalo at nilahad ang kamay nya.
Napatayo sila Gail at Tricia na baka kung ano ang gawin ng kaibigan nila pero biglang sumenyas si DK na ok lang. Pero tinaasan ng kilay ni DK yung nanalo.
"Nangangalay rin ako. Baka gusto mong makipag-shake hands o hahata-----"
"Sorry DK. Di ko sinasadyang manalo." napahiwalay si DK sa yakap at pinagpag ang damit na parang diring diri na kinatawa naman ng buong klase.
"Like what the heck Seisha. I just wanted to congratulate you, wag kang paranoid."
"T-talaga? akala ko kasi ibubully mo ako lalo e." napatawa ng malakas si DK na kinagulat ng lahat at pati siya ay nagulat sa tinrato nya kaya balik ulit siya sa maldita look nya.
"Like what the heck for the second time. Seisha, I maybe mean at times but I accept defeats. Hindi ako nagtatanim ng sama ng loob. Tanggap ko na di ako nanalo napaiyak ako dahil natakot lang ako. Kaya wag ka mag-conclude na ibubully kita lalo ng dahil lang sa di ko tanggap na panalo ka. Dahil MATALO MANALO BULLY KA NA!" Napa-tawa na lang silang dalawa pero may pahabol si DK. "But always remember, REVENGE IS ALWAYS IN MY VOCABULARY." umalis na ulit siya sa room nila na iniwan nya si Seisha na napa-laki ang mata sa gulat. Pero napawi din ito ng tawa dahil sanay na sila sa ugali ni DK.
Ng nasa labas na si DK ay lalapitan na sana siya ni Lennon na kanina pa hangang-hanga sa tapang ni DK pero napa-atras siya sa nakita nya.
----
"Langya ka!" *bug* *bug* bug* "Kung magmamayabang ka, dun ka sa inyo. Wag dito!" galit na hinagis ni Lennon yung binugbog nyang lalaki na walang kamalaymalay. Hinawakan na siya sa balikat ng mga tropa nya at buti na lang ay nagpa-awat agad.
"Pre ngayon ka na lang ulit naging ganyan ah. Problema mo?" pero hindi sila sinasagot ni Lennon. "Pre wag mo sabihing babae yan ah." biglang tumayo si Lennon at umalis. Nagkatingin ang magtotropa "Babae nga!"
-----
"Ma, wag mo na akong gisingin bukas ha. Di ako papasok." kinagulat naman ng nanay nya yung sinabi ng anak nya.
"Ba't di ka papasok? Nung itong nakaraang buwan lang e ang sigla-sigla mo kung pumasok ah. E ba't nag-iba ata ihip ng hangin ngayon?" dirediretso lang ang binata at pumasok sa kwarto niya.
"Sana kung magyayakapan kayo nung Sky na yun yung wala ako. PARA DI MASAKIT!"
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Novela JuvenilDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...