Badboy.28 [Behind everything]

16 1 0
                                    

Dahil mahaba ang oras ko sa pag duty makakapag-update parin ako.

Enjoy this chapter xx

Twitter: @siesiezii
Ig: modernpandora_

**********

Lennon's POV

Pagkauwi ko ay kumain na ako ng pang dinner. Di ko na hinintay yung kapatid ko at mama ko dahil gutom na gutom na ako.

Nagpahinga lang ako onti pag katapos kong kumain at naligo na ako. Di ako natutuwa ngayong araw na ito.

Pagkatapos kong maligo kinuha ko na yung phone ko.

From: 1234

Expired na ang iyong UnliCall. Magload ulit

"Ayy tangina naman oh!" napasigaw ako. Kung kailan ko naman tatawagan si DK tska nawalan ng load.

Kinuha ko wallet ko putcha walang laman. Kailangan ko pang hintayin nanay ko para makahingi ng pera. Hay nako naman!

Naupo ako sa may sala at nanuod muna kung ano pwedeng mapanuod. Kating kati na ako makausap si DK langya naman oh. Malas!

Kami ni DK? Di ko alam. Basta alam ko ayaw ko syang mawala sa akin. Sapat na muna yun. Alam ko naman na ayaw pa nyang magpa-ligaw kaya maghihintay ako at habang hinihintay ko sya aayusin ko naman ang sarili ko. Para di naman nakakahiya sa kanya diba!

Yung pagkakaupo ko nauwi sa pagkakahiga. Tagal naman umuwi ng nanay ko san ba kasi nag-gala yun?

Palipat-lipat ako ng channel at wala akong matinong mapanuod. Tas hanggang makarating ako sa HBO. Ang palabas ay yung green na monster sino ba yun? Ayun yung the Grinch.

Kaya nanuod muna ako dahil wala na akong choice. Yun lang ang palabas na okay mapanuod kaya pinanuod ko na. Langya naman, di ako mahilig manuod ng mga ganitong story pero napanuod ako bigla.

"Lennon andyan ka na ba?" rinig ko yung sigaw ng nanay ko sa labas ng bahay kaya napatayo ako at sinundo sya sa may gate.

"Buti naman maaga kang nakauwi. Himala ah!" kinuha ko yung dala nyang mga paper bags. Ano na naman pinag-gagawa nito sa buhay nya?

"San ka ba galing?" tanong ko sa kanya habang papasok sa may loob.

"Nag shopping kami ng mga amiga ko. May bazaar kasi dyan sa may kabilang village." sabi nya tapos excited na excited sya sa pagkukwento.

Yung nanay ko palibhasa ang daming pera kung anu ano namang pinamimili. Tapos may amiga pa sya? Jusko tumatandang pabaliktad.

"Dahan dahan ka sa isang paper bag na yan baka mabasag mga figurines ko." saway nya sa akin kasi basta basta ko lang binaba yung ibang mga paper bags nya.

"Okay okay kumalma ka!" sabi ko sa kanya kaya binaba ko nalang ng maayos yung paper bag na tinuro nya.

"Oh ano namang kailangan mo at maaga kang umuwi?" tanong nya sa akin.

"Pahingi pera" sabi ko tapos nagpamewang sya sa akin.

"At para saan naman?" tanong nya.

"Magpapalaod. Wala na ako load e. Bilis na!!!" atat kong sabi sa kanya kaya kinuha nya yung wallet nya sa may bag nya.

"Oh!" inabutan nya ako ng 50php kaya napatingin ako sa kanya.

"50 lang? Gawin mo namang 100 para unlicall for 5 days." reklamo ko sa kanya.

"Mga kabataan talaga ngayon di makuntento!" sabay abot nya ulit sa aking ng 50php pa.

"Ayun. Salamat!" tapos nilayasan ko agad sya.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon