DK's POV
Arghhhhhhhh!! Nakaka-asar!! Sira ulo pala yun e. Kumag kumag kumag! Ayan kasi DK masyado kang ano e. Hinagis ko yung phone ko sa may kama sabay tunayo at dumiretso sa banyo para maghilamos. After ko maghilamos napatingin ako sa may salamin.
"Ayan DK, masyado ka kasing naniniwala agad sa lalaking yun. Yan tuloy napala mo." ginulo ko yung buhok ko.
Nakaka-asar talaga sya. Di ba nya alam na ang bilis nyang makuha yung loob ko tapos ganun lang pala gagawin nya sa akin? Or should I say sa mga babae?
Naaasar ako hindi dahil gusto ko siya pero dahil sa sobrang badboy nya. LITERAL!
Di porket babae kami ay kailangan na kaming paglaruan. Hindi bola yung feelings namin para pagpasapasahan lang. Arghhhh! Buti talaga never pa akong nagpaloko sa mga lalaki na yan. Hayyy nako!
Lumabas na ako sa banyo after ko mag-toothbrush at nahiga nalang. Di ko na pinansin yung phone ko. Bahala sya sa buhay nya.
*****************
Buti occuppied ang utak ko kung hindi mababaliw na ako.
Naasar parin kasi ako. Oo one week na di ko parin siya kinakausap. Ewan ko ba! Inis na inis ako sa kanya. Di ko tuloy maintindihan sarili ko bakit ako ganito sa kanya.
"Ano bang nangyayari sa akin." bulong ko.
"Oyy DK!!" Biglang sumulpot sa gilid ko si Gail.
"What?" bored kong tanong
"Bakit ganyan itsura mo?" napasalumbaba nalang ako.
"Wala" plain kong sagot
"Sus wala daw! Ano nga?" naupo siya sa may harap ko.
Umayos naman ako ng umupo at tumingin sa kanya ng diretso.
"Alam mo ba yung feeling na, wala ka namang gusto sa isang tao pero naiinis ka kasi iba pala siya sa inaakala mo?" napakunot naman sya ng noo.
"Huh?" inirapan ko sya.
"What I mean to say is that, nag-expect ka sa kanya tapos ang sama sama pala talaga ng ugali nya?" nanlaki yung mata nya.
"OMG!!" Hinawakan nya ako sa may braso. "Inlove ka?"
"WHAT?" tinanggal ko yung pagkakahawak nya sa braso ko. "Nababaliw ka na ba o sadyang di ka lang nakikinig sa kwento ko?" umupo ako ng maayos ulit.
"Wala nga akong gusto sa kanya." umayos rin ng upo si Gail.
"Oh eh bakit ka nagkakaganyan?" napahinga ako ng malalim
"Nag-expect kasi ako sa kanya e." napailing nalang si Gail.
"Hay nako! Alam mo DK, tao ka na." ano daw? "Tao ka na, nagkakacrush ka na." sabay alis nya.
Like what the hell? Ano bang pinagsasabi nya? Nagkakagusto na ba ako sa kanya kaya ako nagiging ganito? Arghhhhhhhhh!!!
****************
LENNON'S POV
"Sira ulo ka ba pare?" inis kong sabi sa kanya.
"Pre pasensya na, nahihilo narin ako nun e." napailing ko.
"Ayusin mo 'tong ginawa mo!!" tumayo ako. "Kung hindi masasapak kita." tumayo rin sya.
"Oh chill ka lang, parang ngayon lang kita nakitang naging ganyan sa babae ah." akmang susuntukin ko na sya pero hinarang nya yung mukha nya.
"Pwede ba Janno, ayusin mo nalang ito." mariin kong sabi.
"Oo na nga aayusin na. Atat ka naman e." susuntukin ko ulit sya pero bigla syang umiwas. "Hot mo naman e!! Pare inlove ka na ba sa babaeng yun?" napaiwas ako ng tingin kay Janno.
"Wala ka na dun. Basta ayusin mo yan kunv hindi nako!" tapos nilayasan ko na sya.
Naglakad na ako papunta sa may conputer shop. Tinatamad din akong pumasok kasi wala rin namang gagawin agad.
"Ate open hour!" sabay upo ko sa may pwesto ko.
Kailangan ko munang kalimutan si DK sa isip ko.
Nagumpisa na ang pustahan.
***************
"Yosi muna ako." tumayo ako at pumunta sa labas. May upuan na kasi dito kaya umupo ako dun. Nilabas yung sigarilyo sabay sinindihan.
Tinitingnan ko lang yung mga dumadaan sa may kalsada. Habang sa may isang babae ang dumaan.
"DK?" bulong ko. May kasama syang isang babae. Hindi ko naman kilala kung sino yun. Nagtatawanan sila, ang ganda nya talaga pag tumatawa sya.
Bigla syang napatingin sa direksyon ko. Sumama yung tingin nya sa akin sabay inirapan ako. Napatingin naman ako sa hawak ko, yung yosi!
"Sht!" naitapon ko ng wala sa oras yung hawak kong yosi. Nung napatingin na naman ako sa kanya malayo na sya.
Ang bilis nilang naglakad. Galit nga ata talaga sya sa akin! Tanga mo Lennon asar!!!
Pumasok nalang ako ulit sa may loob at naglaro. Bahala sya dyan, bakit kailangan kong mainis dahil nakita nya akong nagyoyosi? Hay nako Lennon nahihibang ka na talaga.
------------
Hello po? Kamusta naman po kayong lahat? :---) namiss ko 'to hopefully tuloy tuloy na ang pag-update ko. Ciao! xxTwitter: @siesiezii
Instagram: modernpandora_

BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Fiksyen RemajaDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...