Enjoyyyyyy ♥
Vote and comment
************
Sky's POV
Tahimik. Nasa Heaven na ba ako kasi sobrang tahimik ngayon sa hinihigaan ko?
Dumilat ako at nakita kong walang tao sa loob ng van. Aba asa ang mga tao dito at wala na akong kasama?
Umupo ako ng maayos at nilibot ang tingin sa van. Wala talaga akong kasama! Pero andito parin yung nga gamit namin sa loob.
Tumingin ako sa labas, di ko alam yung lugar na ito. Basta may gasoline station tas may mga kainan. Nag-stop over tapos ganitong oras?
3am. Ayos naman pala talaga yung takbo ng utak ng kuya Peter ko ano! Ganitong oras naisipan mag-stop over.
Kinusot ko yung mata ko at inayos yung na-gusot kong damit. Tska ako bumaba ng van para hanapin sila. Nagugutom narin pala ako.
Pumasok ako sa loob ng isang convenience store tutal yun lang ang pwede nilang puntahan. Naabutan ko silang nagtatawanan dahil si Sophie ata mukhang nagpapakitang gilas na naman.
Umupo ako sa may tabi ni kuya Mac na busy sa kakanuod sa ginagawa ng anak nya. Ako naman kinuha yung cup noodles na mukhang di pa nakakain. Humigop ako ng sabaw nito dahil narin sa sobrang lamig ng panahon.
"Tomorrow I love you, you always a day. Awaaaaay!" kanta ni Sophie
"Nge putol. Once again Sophie" utos sa kanya ni mommy.
"Tomorrow tomorrow you always a day aw----" naputol sya sa pagkanta kasi sinabayan sya ni kuya Mac.
"Tomorrow, tomorrow I love you tomorrow. You're always a day, awaaaaaay!" masiglang kanta ni Sophie kaya nagpalakpakan silang lahat maliban sa akin na busy sa pag-kain.
"Very Good Baby Sophie" sabay kinurot ni mommy yung pisngi nung bata at napalingon sa akin.
"Oh andyan ka na pala Sky." di ko pinansin si mommy at inagaw nalang yung Cloud 9 na nasa harap nya. Binuksan ito at kinain nalang.
"Kamusta ang tulog ulap?" tanong sa akin ni kuya Peter.
Tumango lang ako at pinagpatuloy yung pagkain ko ng cloud 9. Bahala kayo dyan.
"Wala sa mood. Anyway, tara na ba?" binalik ni kuya Peter yung atensyon nya kanila mommy.
Nagsitayuan na sila at sumunod na lamang ako sa kanila sa paglabas sa may convenience store. Pumasok na kami lahat sa may van at naupo ulit ako sa likod.
Nilabas ko yung PSP ko at naglaro nalang ng Tekken kasi di pa ako ulit inaantok.
-----
"Sky gising na!" may umaalog sa akin tas inalis ko yung kamay nya sa may balikat ko.
"Maya na!" inayos ko ulit yung pagkakahiga ko pero lalo akong inalog ng halimaw na ito.
"Sky gising na andito na tayo!!" di ko sya pinapansin.
"Tito Sky wake up!!!" biglang may dumagan sa may tiyan ko.
"Arayyyyyyy!!!" sa sobrang lakas nung pagkakasigaw ko ay napatayo ako sa iyak ni Sophia.
"Waaaaaaaaaaaa!!!" nasapo ko nalang yung ulo ko sa pagkabiglang pag tayo tas nakakarindi pa yung iyak ni Sophia.
"Waaaaa mommy!" sigaw ni Sophia
"Ssshhh Sophie don't cry nagulat lang si Tito Sky." pagpapatahan ni kuya Mac sa kanya.
"Hayy, Sophie wag na umiyak." sabi ko dito pero lalo syang umiyak at lalo pang lumakas yung sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Novela JuvenilDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...
