Hi po :) I re-published "A million years for my girl" here on my account. Read it guys kung feel nyo hehehe love lots
Enjoy this update xx
****************
DK's POV
"Teka Seisha wag ka magulo kinikilig pa ako!" ano ba ito bakit maingay?!
"E kasi Gail, bilisan mo baka magising na sya!" ang ingay talaga
"Oy tumahimik nga kayo bigyan nyo sila ng time. Umalis na tayo!" maya maya wala na akong naririnig na ingay
"Ang corny mo Jhune! Alis na nga tayo Seisha." ayun at wala ng ingat hayyy.
**********
Nagising ako kasi biglang may gumalaw sa hinihigaan ko. Nung binuksan ko yung mata ko lahat sila nakatingin sa akin or should I say sa amin.
Napatayo ako at yun yung nag-cause para magising si Sky. Oh my God! Nakakahiya ka DK!
"Oh gising na ang love birds" sabi ni T. Lyra
Tumayo rin si Sky at nag-inat pa ang mokong asar. Gusto ko nang lamunin ako ng lupa! Tumingin sya sa akin na para bang gustong tanungin kung anong nangyayari tas ako gusto ko syang batukan para sabihing nakita nila tayong tulog.
Dahil sa nakakatakot kong tingin nanlaki yung malaki na nyang singkit. Umayos sya at sabay na kaming umupo sa may upuan namin. Nakakahiya talaga!!!
"So dahil nakakahiya naman na gisingin namin kayonf dalawa uulitin ko nalang yung sinabi ko ha." nakita kong nagkamot sa ulo si Sky at namula ang malaki nyang tenga.
"Since next week exam nyo na sa akin at Christmas Party nyo rin yun I want you all to still study your notes. Hindi porket mag-eenjoy kayo sa day na yun ay babalewalain nyo lang yung exam okay?" T. Lyra said and we answered "Yes po" in unison.
"Okay since nagkakaintindihan naman tayo. Get your book and we'll discuss the last topic for this quarter." kinuha na namin yung book namin then nag-start ng mag-discuss si maam.
Lennon's POV
"and since this is an absolute number, the negative sign will be removed. You got 5 as your x. Any questions?" tanong ni maam. Inaantok talaga ako ngayon ano bayan!
"Since wala na kayong tanong turn to page 263. From Math question A to C. Pag tapos na ilagay ang book sa table ko and you may take your break." tapos umalis na sya. Ayokong mag-sagot tinatamad talaga ako ngayong araw na ito.
Tiningnan ko yung mga kaklase ko mga nakatutok na sa libro nila kaya nilipat ko narin yung page at pagkita ko sa sasagutan nalula ako.
"Ano 'to?!" bulong ko sa sarili ko. Ah bahala na nga, stock knowledge nalang. Sinubukan kong sagutan kahit wala ng mapiga sa utak ko. Langya naman oh!
Nung matapos kong sagutan ay tumayo ako at lumabas ng room. Sanay na sila sa akin wala naman yung teacher namin e lumabas. Kaya pumasok ako sa room ng 2nd year tutal wala rin naman pa silang teacher.
Naabutan ko si Jeddyk na nakangiti mag-isa tas yung mga kaklase nya natutulog lang. Tinabihan ko sya pero hindi nya ata nahalata yung presensya ko.
"Hoy!!" sabi ko sa kanya. Aba wala talagang imik kaya tiningnan ko kung sino bang ka-text nito.
Nung maramdaman nyang lumalapit na ako sa kanya ay bigla nyang tinakpan yung cellphone nya. Aba madamot!
"Ano ba pre chismoso lang?" pabiro nyang sabi sa akin.
"ewan ko sayo para kang bakla tawa ka dyan ng tawa" umayos ako ng upo at itinaas ang paa ko sa mesa nya. "sino ba yang kausap mo ha at para kang tangang na ngiti ng ngiti dyan ha?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/5178957-288-k790626.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Teen FictionDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...