IG: modernpandora_
Twitter: @siesiezii*******
Gail POV
Wala namang nangyaring maganda. Nagstart na ulit yung klase! Pano ba naman, nung sembreak umuwi lang kaming probinsya para bisitahin yung mga yumao naming kamag-anak tapos balik Cavite kasi kinabukasan may pasok na naman.
Ang boring ng buhay ko noh?? Kaya wag nyo ng pangarapin maging ako -___________- buti pa itong si DK. May Sky na! Kinwento nya sa akin na okay ma daw sila ni Sky. Sabi nya kung totoong babae lang daw siya nainlove na daw siya dito. Buang diba? E babae naman talaga siya. Hay x_________x
"Huy!"
"Ay kabayo! Ano ba West! Lagi ka na lang nang-gugulat ah.." umayos ako ng upo. Naka-stoop kasi ako tutal wala pa naman yung teacher namin.
"E kasi mag-isa ka lang dito baka gusto mong bumaba at kumain na!" tiningnan ko lang siya. Itong mokong na ito laging nangungulit at pinagsasabihan ako. Feeling boyfriend lang?? Tss...
"Yeah right!" inirapan ko na siya sabay tayo. Nakakabuwisit!
Nung nasa hagdan na ako ay nakasalubong ko si Sky na nakatungo.
"Problema mo?" napa-angat na naman siya nung kinausap ko siya.
"Ah wala lang ito! Sige baba ka na dun. Aakyat na din daw maya maya si T. Rex e." sasagot pa lang sana ako pero umalis na agad siya. Problema nun?
Nung makapunta na ako sa may canteen ay kumuha na lang ako ng pagkain ko. Libre ako lagi ng pagkain dito kaya basta kuha na lang ako. Hihihihi!
"Isang Funky at 7-up. Tsk! Mabubusog ka nyan!" sino ba ang hilig akong sitahin??!! UGH! Nagtuloy-tuloy lang ako tapos umakyat na. Nakita ko dun sila Tricia sa may table pero wala ako sa mood tumambay. Umakyat na lang din ako at dun na lang sa room.
Nung nasa room na ako nakita ko si Sky na naka-stoop. Aba, problema nito? Wag nyang sabihing basted na naman siya??
Umupo na ako at kumain. TANDAAN! WAG PAPANSININ SI SKY PAG NAKA-STOOP. Pero grabe. ang tahimik di ako sanay kaya tumabi ako kay Sky.
"Pst Sky!" kinalabit ko siya.
"Mmmm?" sumagot pero naka-stoop pa din.
"Huy Sky. Kain ka gusto ko?" pero umiling lang ito.
"Ano bang problema? Ba't ang tamlay mo?" inangat nya yung ulo nya.
"Ba't ganun? Pang-ilan na ito pero this time lalo akong natakot?"
"Huh?" tumingin siya sa akin.
"Iniiwasan ko siya." katahimikan.
*pak*
"ARAY! BA'T MO 'KO BINATUKAN?" Tiningnan ko siya ng masama.
"Sira ulo ka! Ba't mo siya iniiwasan?" napahinga siya ng malalim.
"Dahil natatakot ako?" *face palm*
"Ba't ka natatakot?"
"Kasi baka pagsinagot nya na ulit yung tanong ko, yun ulit isagot nya." haaaaaaaaay! Ano ba itong lalaking ito. Torpe na duwag pa. Si Sky lang yan!
"Na baka mamaya busted ka na naman?" napatingin lang siya sa akin sabay tungo. Naawa na ako sa mokong na ito ah. Ito naman kasing si DK paasa masyado e!
"Sky mas maganda ng masaktan sa katotohanan kaysa sa kasinungalingan. Kaya kung ako sayo harapin mo na lang yung kung anuman yung sasabihin ni DK. Kilala mo si DK totoo siya. Sa kanya ako natuto maging totoo sa pagdedesisyon. Kaya kung anuman ang sagot nya ibig sabihin alam nyang tama yun. Na walang magsisisi sa inyong dalawa!"
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Teen FictionDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...