Epilogue

49 2 0
                                        

DK's POV

"I really appreciate what you did class. From the preparation to the shooting, I know it's not easy but you all did a great job. Even the faculty loved the movie." nagkatinginan kami ni Gail dahil sa sinabi ni sir.

"I would like to give Edrick a slow clap because of the great cinematography." napatingin kami lahat kay Edrick at pinalakpakan sya. Well, he wouldn't be the master of video editting if he wasn't good right.

"To the main characters and supporting characters who did a great job memorizing their lines and giving the emotions that were needed. Wow guys! You are the best. Also, to all the the staffs and crews who prepared the costumes, did the make-up and the set-up. It was indeed realistic." we also gave each other a clap lalo na kanila Tricia na nagpagod para maghanap ng mga vintage costumes na kahit isa sya sa lead role.

"Lastly, to DK for directing the film. I know it was a tough job but still you managed to edit the script and add a little twist on it. You know, the cameo thingy" they all congratulate me kahit deep inside naiinis ako na masaya kasi ang ganda ganda ko pero pinilit nila ako.

"I congratulate you all again for this marvelous piece. Thus, you are all exempted to your quarterly examination as my token." nanlaki yung mga mata namin dahil sa sinabi ni sir.

"Omg!! Sir for real? Like, we won't take the exam anymore?" I asked sir and he nodded.

"Wow thank you sir!" we all said in unison. Tapos sabay nun ay ang pagpalakpakan namin. Worth it naman pala ang pagod at gastos na nangyari sa amin.

"With that, i'll dismiss you early. Goodbye class" sabay kinuha nya ang mga gamit nya at lumabas na ng room after namin mag-goodbye din sa kanya.

"Wow grabe bawas alalahanin yun ah!!!" sigaw ni Gail nung makalabas si sir.

"Buti naman at exempted na tayo! Makakatulog na ako ng maayos!" masayang sabi ni Edrick sa amin.

"Guys thank you ha. Ang galing nyo lahat" I said to them.

"Thank you rin sayo DK sa paglelead para sa film na ito." sabi naman sa akin ni Tricia so I gave her a genuine smile.

"Pero yung cameo mo kasi yung nagdala dun e" asar sa akin ni Jhune kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ha ha ha ang funny mo ha!!!" sabi ko sa kanya kaya nagmake-face lang sya sa akin kaya tuloy natawa kami lahat.

"Ewan ko sayo Jhune monggoloid ka talaga!" asar rin sa kanya ni Sky.

"Kausap ka?" paasar na tanong naman ni Jhune sa kanya.

"Gusto mo sapak?" malambing na tanong pabalik ni Sky kay Jhune.

"Pogi ako. Sayang ang face kung sasapakin mo lang" napairap nalang ako sa mga sinasabi ni Jhune.

"Alam mo Jhune, sa tingin ko nalipasan ka lang ng gutom e. Tara kain na tayo!" aya naman ni Gail sa amin kaya natawa kami kasi halos parang binuhusan ng semento yung mukha ni Jhune ngayon.

"Minsan di ko alam kung may crush ka ba sa akin o gusto mo lang akong isumpa e" sabi ni Jhune sa amin habang kami naglalakad na palabas ng room.

---

Dumiretso na kami lahat sa may canteen at nagsipilahan na para makabili ng aming lunch.

Habang nakapila kami hindi mawala sa isip ko yung mga nasabi sa akin ni Lennon. After that night hindi na kami ulit nag-usap. He didn't bother texting or calling me kaya hinayaan ko nalang sya.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon