Happy New Year xx
**********
Gail's POV
"Ready na ba ang film nyo?" napa-iling nalang kami sa tanong nung English teacher namin. Halata sa mukha naming lahat yung pagod dahil sa sunud-sunod na events tas tinapos pa namin yung aming film.
Halos lahat kami walang energy para makipag-participate sa mga class activities. Dagdagan pa ng nakakabinging katahimikan kasi ang daming conflict na nangyayari sa room namin.
"Mukhang pagod na pagod kayo. Sige pagbibigyan ko na kayo ngayon since successful naman at kayo ang nanalo sa booth. Feel free to use this time. Bye" agad naman namaalam yung teacher namin at umalis.
"Sa wakas!!!" sigaw ni Edrick at nilabas ang kanyang laptop. "Matutuloy rin kitang pesteng film ka!!!" nagdadabog sya kaya hinayaan nalang namin. Beast mode sya kapag editting. Halimaw kasi sa mga videos yan e.
Lumingon naman ako sa likod ko. Obvious na hanggang ngayon badtrip parin sya. Kumag rin kasi itong si Sky e, ginamit pa yung confession booth para sa big revelation nya.
Inannounce pa na may ibang gusto si DK. Lalo tuloy syang naguguluhan hay nako!!! Nadadamay kami sa love triangle nila jusko!
"DK" tawag ko sa kanyang habang nakasalumbaba ako na nakasandal sa may arm desk.
"DK" tawag ko ulit sa kanya pero nakatulala parin sya sa kawalan.
"Huy DK!" this time napansin nya na ako.
"Y-yes?" napahinga nalang ako sa sagot nya. Naiiyak ako kasi ramdam ko yung hirap na pinagdadaanan nya ngayon.
I smiled at her "You want to eat?" she smiled slowly and nodded "Let's go" aya ko sa kanya kaya sabay kaming napatayo.
"Tara Tricia, kain tayo" aya ko rin kay Tricia kaya hininto muna nya yung ginagawa nya at sumama sa amin.
"Uyy san kayo pupunta?" rinig ko na sabi ni Jhune habang tumatakbo papalapit sa amin.
"Canteen." tipid kong sagot at dirediretso lang kaming naglalakad na tatlo.
"Hintay!!! kunin ko lang wallet ko" sigaw nya mula sa loob ng room pero tuloy lang kaming tatlo sa paglalakad at di na sya hinintay pa.
"Grabe, napanuod ko na yung ibang scenes natin sa film. Ang amazing!" tuwang tuwa kwento sa akin ni Tricia.
"Talaga? Ang daya naman ni Edrick hindi pinanuod sa akin!!" nakakatampo! Sila lang yung nakakita di man lang pinakita rin sa akin. Minsan talaga may pagka-bias yung mga kaklase ko.
"Magkasama kasi kami ni Edrick nung ineedit nya. Tas alam mo ba si Sky, sinayaw nya pala si DK hindi ko man la----" napahinto si Tricia sa pagsasalita nung napandilatan ko sya ng mata.
Napahawak nalang sya sa kanyang bibig at sabay kaming napatingin kay DK na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa kawalan kahit sabay sabay kaming naglalakad.
"Sorry!" bulong ni Tricia.
"Ahahahahahaha, ikaw talaga Tricia ha. Bakit kayo magkasama ni Edrick?" natatawa kong sabi para maiba yung usapan. Nakisakay naman si Tricia. Tinginan palang alam na kung ano yung gusto kong ipahiwatig.
"Ah eh ehehehehehe! Wala yun" nagtaka ako sa tawa nya. May ibig sabihin!
"Sus! Wala daw?! Nagkakamabutihan na ba kayo ni Edrick ha?" panunukso ko sa kanya. Sya naman halos sasabog na sa sobrang pag-blush.
![](https://img.wattpad.com/cover/5178957-288-k790626.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind a Badboy look
Roman pour AdolescentsDK Ho is someone who is serious in everything that she does. Then, there is Sky who is vocally in love with her for almost a year. But then, Lennon Cuevas-a badboy-came and changed everything. How this simple high school love story unfold the secret...