Badboy.23 [The love that grows]

24 1 0
                                    

Hello there :) enjoy this chapter cause I found it very cute haha xx

*************

DK's POV

"Bale ang gagawin natin, yung place na pagshoshootingan ay suitable na dun sa settings sa story. We have to find some place na pupwede" sabi ko kay Edrick. Nilagay naman nya yung daliri nya sa may labi nya na parang nagiisip talaga sya.

"Pwede rin yung idea mo. Kailangan nating mag-hanap ng lugar. Di pwede dito sa subdivision natin kasi masyadong maliit at yung clubhouse natin dito di appropriate para dun sa story." nagkatinginan nalang kaming dalawa.

"Kanila Noel!!!" sabay naming sabi at dahil dun nag-high five kaming dalawa.

Inayos na namin yung ibang details para sa story. Na-revise na rin yung ibang parts maging yung mga lines nila. Bale ang ginagawa nalang namin ay nililista yung mga kakailanganin para sa production. Buti nalang may nai-assign ako para sa production kung hindi, bangag kami ni Edrick nito.

Nagtulung tulungan na kami kung ano at nai-assign na kung sinu-sino ang gagawa ng mga specific props. Sa lahat naman kasi ito pa ang naisip na project. Mabuti sana kung exam narin ito kaso hindi!

Nang matapos na kami sa meeting ay nag-meryenda muna kami. Sarap nung hinandang pagkain nung mama ni Edrick e.

*vibrate vibrate*

Kinuha ko yung phone ko sa may bulsa ko. Sino ba itong nagtetext at kanina pa ito!!!!

Pag tingin ko nakaka-ilang texts na si Lennon. In-off ko yung phone ko at nilagay nalang sa bag ko. Bahala ka dyan. Naiinis pa ako sayo!

Naalala ko na naman yung mga sinabi ni Sky sa akin nung pag-alis ni Lennon kanina. Hayy ano bayan!

Flashback

Naglalakad kami papunta sa may canteen at kasabay ko si Sky maglakad. Pinaguusapan namin yung nangyari kanina kasi banas na banas parin ako.

"Sabi ko kasi sayo gisingin mo ako!" inis kong sabi sa kanya.

"E wala ka namang sinabing gisingin kita." sagot naman nya sa akin.

"Kahit na. Tas natulog ka rin. Ayan tuloy inaasar na nila tayo!" gusto ko syang suntukin sa inis pero very wrong yun kasi wala naman syang kasalanan.

"Sorry na." nagmamaka-awa na sya sa akin. Ugh! Di ko matiis, ang cute nya. Omg DK! Erase mo yan sa isip mo okay. Hingang malalim.

"Ewan ko sayo." nilayasan ko sya at na-upo ako dun sa may free seats.

"Libre nalang kita" sabi nya sa akin nung makalapit na sya sa akin.

"Dalian mo." pagsusungit ko sa kanya. Pero nung maka-alis na sya ay lihim akong ngumiti. Ano bayan! Traydor yung labi ko hayy!

Maya maya nakita kong papalapit sa may place ko si Lennon. Okay DK, act normal. Nung papalapit na sya sa akin hinihiling ko na dumaan nalang sya pero mali ako. Huminto sya sa harap ko at tumingin sa akin. Timingnan ko rin sya pero masama.

"Gusto ko lang sana mag-sorry" hindi ko sya kinikibo at hinahayaan ko lang syang magsalita.

"DK. Tungkol dun sa text, hindi ako yun. Na-wrong send lang yung kaibigan ko pero hindi talaga ako yun." hindi daw? Hindi daw sya yun? Oh come on. Ayoko lang mag-start ng gulo kaya mananahimik nalang ako.

"DK, pwede pa tu-----" nahinto sya sa sasabihin nya kasi biglang dumating si Sky. Nagkatinginan naman silang dalawa at ramdam ko yung tensyon sa pagitan nila.

"Anong nangyayari dito?!" matigas na sabi ni Sky. Hindi sinagot ni Lennon yung tanong ni Sky at tumingin ulit sa akin.

"Kakausapin nalang ulit kita" sabi nya at sabay alis.

Behind a Badboy lookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon