CHAPTER THIRTEEN

6.4K 457 113
                                    


She left her phone, her wallet, and her purse with the devil again.

"Ano ba to? Habit?!?!" pinagalitan ni Maine ang sarili habang bwisit na bwisit na sinusuntok ang unan niya.

And then remembering why she ran out of his condo and hailed a cab to take her home, isunubsub naman niya ang mukha sa unan sa hiya.

"GAGA! GAGA! GAGA!" she screamed inside her head "KAHIT KELAN HINDI KA NA MAGLALASING!!!!"

"Gusto mo ako na lang pumatay sa'yo Meng? Mapuputulan ka lang nang hininga sa unan kapag ibang tao ang gumagawa" she heard her Kuya's voice and immediately sat up.

"Kuya Nico!"

Tumawa ito. "Ibili mo nga nang orasan yung bisita mo sa baba."

Umangat ang kilay niya. "Ha?"

"Sabi ko ibili mo nang orasan yung bisita mo sa baba" pag-uulit nang kapatid and then added "Nung unang punta niya dito, maaga pa siya sa manok ni Tatang. Ngayon naman, patulog na tayong lahat e doon dumarating. Baka walang matinong orasan yun at hindi alam ano ang tama e."

Her throat went dry.

PINUNTAHAN TALAGA SIYA NANG DEMONYO!

"Magkasama na naman sila ni Tatang dun sa veranda. Puntahan mo na. Mukhang malakas ang tama nun sa'yo e. Ikalawang beses na siya pumunta dito."

Her brother left her before she could make a retort and she found herself getting torn between wanting to dissolve into thin air or setting their whole house on fire para mapilitan na silang lumipat at never na mahanap nang lalakeng ito ang address nila.

She could not wrap her head around what had just happened between the two of them and here he was seemingly wanting to rub it in her face more.

"HINDI KA KASE NAG-IISIP MENG!" she was berating herself as she headed down the stairs.

Mas magandang bumaba na siya dahil kung hindi e baka umakyat ang Tatang niya at bitbitin pa siya pababa dahil ayaw na ayaw nun magpa-antay nang bisita.

They were all too freaking accommodating in this house, she thought morosely.

"Ah Maine!" his voice was the first one that welcomed her into the veranda.

KELAN PA SILA NAGING MAG-FIRST NAME BASIS NANG LALAKENG TO?!?!?!

"Anak, ikalawang beses na to naghatid ni RJ nang bag mo. Sa susunod mag-iingat ka ha? Siya pala ang nakakuha. Sabi mo kanina baka kay Pauleen mo naiwan pero naiwan nyo daw sa sasakyan niya nung ihatid niya kayo pauwi kagabi" bungad naman nang Tatang niya.

She had lied about what happened last night.

Sinabi niya na ang mga college classmates niya ang kasama niya at naiwan niya ang bag sa bahay nang isa sa mga ito dahil sa gustong gusto na niya umuwi at na-realize lang niya na wala ang mga gamit niya nung kalahati na sila nang biyahe nang taxi.

RJ looked smug right behind her father at nangibabaw sa kanya ang inis na nararamdaman.

WHAT WAS HE PLAYING AT?!?!

"Kaninang umaga ko pa dapat ihahatid kaso may bisita kase ako sa condo e. Medyo late nagising" sabi nito ngayon at naramdaman niya umakyat ang dugo sa mukha niya.

"Ok lang yun RJ. Buti nga kahit gabi na e hinatid mo pa rin" her Tatang answered.

"Kailangan ko po kase ihatid ngayon kase magiging busy po ako next week. Kawawa naman po si Maine kung wala siyang phone."

"Oh siya aakyat na ako" paalam nang Tatang niya "Maine, ihatid mo hanggang sa gate si RJ ha. Pero hayaan mo muna siya makapahinga saglit bago umalis. Halos kararating lang din niya e."

Mister VillainWhere stories live. Discover now