CHAPTER SIX

6.6K 411 62
                                        




"Grabe naman pala siya" sabi ni Patring habang sabay silang nagtu-toothbrush pero magkausap pa rin sa skype.

It was the day after Maine met the villain at pagkagising na pagkagising niya e tinawagan niya agad ang bestfriend na eksakto naman ay nakauwi na galing shift at naghahanda nang matulog.

Ibinuga niya ang pinagmumugan at nagpunas nang bimpo. "Grabe talaga siya. Halos hindi ako makatulog sa inis ko e."

"Pero naisip ko ha... Ibig sabihin malalim ang galit niya talaga sa'yo."

Naghilamos siya nang mukha at kahit nakapikit para hindi mahilam e patuloy pa rin sa pakikipagkwentuhan. "Or malalim ang galit niya tungkol sa nangyari sa kanila nina Louise."

"Well, napindeho siya dun e. At yung mga lalakeng tulad niyang si Richard Faulkerson, hindi sila yung tipo na nakakalimot kapag sila ang na-isahan."

"Pwes wag siya sa akin magalit kase all I did was write their story diba? And he wasn't even the highlight of that... it was Louise and Enzo."

"Menggay, wag ako awayin mo huy. At saka ikaw na din ang nagsabi sa akin diba? Hindi ka magtataka kung magagalit siya sa'yo."

Sasagot pa sana si Maine nang kumatok ang Kuya Nico niya sa banyo.

"Huy Meng kanina ka pa ba gising? Bilisan mo dyan at may bisita ka sa baba."

Binuksan niya ang pinto at nakita ang pinakamatandang kapatid na mukhang galing sa pagba-basketball. "Bisita?"

"Kasasabi ko lang diba? Kasama ni Tatang mag-kape dun sa may labas. Kung ako sa'yo bumaba ka na at baka ito na ang chance mo."

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasasabi mo Kuya?"

Tinalikuran siya nito. "Kunwari ka pa e. Hindi mo naman ako sinabihang may nanliligaw na pala sa'yo."

"Kuya, para kang sira."

"E kung bumababa ka na kaya at lumabas ka na dyan sa banyo nang makaligo na ako?"

Kinuha niya ang phone at lumabas nang banyo habang nagpupunas nang tuwalya sa mukha. "Patring, tawagan ulit kita mamaya at mukhang ginu-good time na naman ako nitong si Kuya."

"Hindi kita ginu-good time oy" kontra nang kapatid niya "At sa susunod kung di naman sila intsik, huwag sila dumarating dito sa bahay nang ganito kaaga. Nautusan pa tuloy ako ni Tatang ipagtimpla nang kape e."

Sinaraduhan siya nito nang pinto nang CR at napakunot ang noo niya kakaisip sa kung sinumang pwedeng puntahan siya nang ganito ka-aga. Halos alas-otso pa lang.

Tinignan din niya ang phone kung may message ba siya na galing sa kung kanino pero wala naman. Pinapakuha na kaya ni Ms. Karen yung mga librong pinapa-autograph sa kanya?

Itinali na lang ni Maine ang buhok na naging buhaghag mula sa pagkakatulog at bumaba siya sa salas nila.

"Grabe na nga po talaga ang traffic ngayon. Dapat kase ipinagbabawal talaga sa atin ang bumili nang sasakyan kung wala kang parking space."

Natigilan siya dahil kilala niya ang boses na yun.

Nagmamadali siyang tumungo sa veranda nila kung saan mahilig magbasa nang dyaryo ang Tatang niya kapag umaga.

Nandoon ang natatangi at nag-iisang demonyo na sumira nang buong gabi niya pati na rin kanyang panaginip kagabi.

"Menggay" ang ama niya ang unang nakapansin sa kanya.

Pati ba naman tong araw na to e sisirain nang lalaking to?!?!

Richard Faulkerson Jr. sat beside her father calmly drinking coffee. Tumayo ito to acknowledge her. "Good morning Ms. Mendoza."

Mister VillainWhere stories live. Discover now