Hindi umuwi si Maine sa bahay nila.Tulad noong seven years old pa lang siya at kailangan niya nang lugar kung saan magagawa niyang umiyak tungkol sa kung anumang bagay-bagay, pumunta siya sa bahay nang Lola niya, ang ina nang kanyang Tatang.
The older woman was lounging in her veranda pagdating niya at agad agad itong yumakap sa kanya.
Tuwang tuwa ito nang makita siya.
"Hija!!!"
She bounded up the stairs and gave her grandmother a hug. "Lola."
"Kumain ka na ba?"
She shook her head. She lost all her appetite after fighting with RJ and found herself seating inside her car for a good hour before finally driving off.
"Oh tara at kumain ka dun sa loob" she was ushered by the Mendoza matriarch to the dining room "Nagkakakain ka ba nang tama? Bakit parang kapag nagkikita tayo e lalo kang pumapayat?"
"Para na nga daw ako lalake kumain sabi ni Kuya e."
Maraming kasama sa bahay ang Lola nila na mga bata. PInaaaral niya ang mga ito at tinutulungan kaya mahal na mahal siya. Itong mga ito din ang agad agad na nag-ayos nang pagkain sa la mesa.
Nginitian at pinasalamatan ni Meng ang mga ito at kinumusta bago sila naiwan ulit nang Lola niya.
There was so much food on the table aakalain mo piyesta pero tipikal ito sa matandang bahay nila. Kilala ang Lola niya as a generous hostess.
Meng got as far as slurping on ice cream for dessert before her grandmother went for the jugular.
"Sino ang umaway sa'yo?"
It would be stupid to deny it.
"Hindi importanteng tao Lola."
"E bakit apektadong apektado ka?"
Wasn't that the million dollar question?
She sighed. Ilang araw na din niyang tinatanong sa sarili niya yun e.
Ano ba ang pake niya sa tingin sa kanya ni RJ Faulkerson? Ano ngayon kung galit si RJ Faulkerson sa kanya? Ano ngayon kung nasasaktan ito kapag nakikita siya dahil naaalala nito ang pinakamamahal nitong babae dahil sa sinulat niya?
"Pakiramdam ko Lola kase hindi naman ako sanay na may kaaway e. Kahit galit ako sa taong to, kahit naiinis ako sa kanya, at kahit gusto kita na hindi maapektuhan sa mga sinasabi niya o ginagawa niya... hindi ko kaya."
Her Lola's eyes sparkled with understanding.
"Totoo naman na basta may puso ka e mahirap ang hindi ka maapektuhan – lalo kung tulad nang puso na nasa iyo Menggay. Malambot na malambot yan e."
"Hindi naman sobra Lola!"
"E kung yan ang sabi mo."
She shook her head in helplessness. "Pumunta lang ako dito Lola kase wala naman akong makakausap tungkol dito. Ikaw na lang."
Tumaas ang kilay nito. "Wala ka na bang kaibigan?"
Maine didn't even know where to begin and how to tell her Lola the situation she had found herself in.
"Marami po Lola."
"Oh eh bakit hindi sila ang kausapin mo?"
"Hindi sila sing-talino mo."
Rumolyo ang mata nito. "Hindi mo na ako kailangang bolahin hija dahil sarili mo ang binobola mo pag ganyan. Apo kita. Hindi ka ganyan katalino kung hindi matalino ang Lola mo."

YOU ARE READING
Mister Villain
FanfictionWhat if the villain in the story you wrote is YOUR hero? Maine Mendoza, author of best selling novel "Two Wrongs Make a Right", finds herself face to face with the real life villain of her story and he's not all too happy about it. Richard "RJ"...