#1

11K 200 15
                                    




"HAPPY NEW YEAR!" Sigaw ko sa tainga nang natutulog na si Thomas.


Tarantang itik siyang napabalikwas at napabangon sa kama niya. "Sunog? Saan? Saan?"


Medyo wala sa konteksto ang naging response nya. Wala sa sarili niyang minulat ang mga mata at napatingin sa paligid. Noong marealise niya siguro na payapa ang lahat at wala namang sunog, dumapo ang chinito eyes niya sa akin na nakasandig sa gilid ng kama niya. I flashed him my sweetest smile bago pa siya mag-beastmode.


"Good morning, Thomas!"Bati ko sa kanya.


He glared at me momentarily bago siya napatingin sa kisame ng kwarto niya.


"Fuck." He cursed and rolled his eyes tapos muling bumalik sa kama niya. "Go home! I'm still sleeping." Tinabig niya ang unan na nahampas sa mukha ko. Oo, in my face. Na-out balance ako dahil doon kaya napaupo ako sa sahig.


"Punyeta." Bulong ko.


Mabilis akong bumangon para gapangin siya. When I did, he was already hiding under his sheets. Mabilis rin ata siyang nabalik sa pagtulog. I pushed him over.


"Hoy Torres! Bagong taon na bagong taon nakahilata ka?"


Hindi man lang siya natinag. Nakatalukbong pa rin siya sa kumot niya.


"Bumangon ka na nga! Sabi magro-roadtrip tayo ngayon? Tanghali na oh!" I demanded. Pinangakuan niya ako na magro-road trip kami ngayong first day of 365 dahil natalo siya sa Monopoly game namin nina Jeron nung isang araw.


Thomas spoke under the sheet. "Come on! Kung gusto mo pala akong bumangon ng maaga ngayon, you shouldn't have bothered my sleep last night."


Ay wow. Ako pa pala may kasalanan 'no?


"E anong gusto mong mangyari? Lahat nasa labas na para salubungin ang taon, ikaw tulog? KJ ka rin 'no?" Inis ko na sabi.


"Vic, just let me sleep first, 'kay?" Antok na antok niyang sabi. I should know. His voice was already fading by the time he said the last word.


Napabuntong hininga ako. Tengene talaga 'tong si Tomas e. Nakatayo pa rin ako sa kwarto niya. Kailangan ko siyang mapabangon sa kama niya. Kailangan matuloy ang roadtrip ngayong araw. Sa Lunes, pasukan na naman. Mawawalan na naman ako nang dahilan para makita siya. Hindi pwede! Arghhhh.


My eyes roamed around the room when my gaze landed on his favourite stuffed animal. Tris (the name he gave his Chicken Little) was sitting prettily on the headboard of his bed. You know what's weird about this guy? He has never slept with a woman in his life, but he does with this stuffed toy. Kung alam lang ng fangirls niya ang kaweirduhan niyang ito, I bet they would wish they were Tris.


Napangiti ako. I have won! Hahaha. I was dancing in my head when I sat on his bed.


Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon