May ended smoothly for all of us. After ng maaksyong bakasyon namin sa Magalang ay satisfied kaming umuwi sa San Fernando. Hindi na nga nanggulo pa si Bang. As for Thomas and I, well, things went back to normal.
Summer officially ended when the first rain poured in San Fernando. Kakatapos lang namin mag-enrol sa Saint Catherine, it was the first week of June. Nauna nang umalis si Ye, si Kim naman ay may lakad daw. Malakas yung pakiramdam ko na kikitain lang niya si Almond.
Anyways, naiwan ako sa school dahil kinausap ako ni Coach Ram about sa magiging schedule ng training at yung start ng try out para sa volleyball team. When we settled everything ay umalis na rin ako. Kaso bumuhos nga ang malakas na ulan kaya naman napilitan akong maghintay sa lobby ng school. Hapon na noon at habang tinitignan ko yung langit, pakiramdam ko wala pa itong balak na tumigil anytime soon.
Wala kasi akong dalang payong, hindi naman ako pwedeng sumulong sa ulan. Uuwi pa naman si Kuya ngayon, sabi niya umuwi raw ako just in time for dinner kasi may sasabihin siya. Dumating kasi yung friend niya from Manila kanina. Kailangan ko nang umuwi...
I held my bag over my head. Ready na akong sumulong sa ulan nang biglang may nagbukas ng payong over my head. I looked up and saw Thomas.
"Huy, dito ka pa?" Tanong ko.
"Ano ang nakikita mo?" He asked.
I glared at him as I put down my bag. "Tapos na ba ang enrolment?"
He nodded. Sila yung in-charge para mangolekta ng membership fee sa Student Org. Nagsimula siyang maglakad sa ulan kaya naman sumunod na rin ako. Dala ni Thomas yung payong at nakisilong naman ako.
"May pupuntahan ka pa ba?" Tanong ko sa kanya nang makalabas kami sa gate ng school.
"Dadaan pa ako ng Coffee Bay e. Sama ka?"
Ngayon lang ako babalik don mula nung nangyari yung tragic incident. Ohmygad. Handa na ba akong harapin si Arra? Charot.
"Sige." Sabi ko. "Pero bakit ka dadaan don?"
"Ahh.. I was planning to renew my contract kasi as a part timer. Every Saturday lang, kasi syempre busy kapag weekdays sa acads at training." Sabi niya. "Masaya rin kasi do'n. Gusto mo mag-apply?"
"Not my cup of tea, Pong." I said. "Nag enjoy ka na talaga sa pagiging barista mo ha?"
"Hindi naman." Matipid lang niyang sagot.
Dahil medyo tumila na rin ang ulan at kaya naman lakarin mula Saint Catherine papuntang Coffee Bay, nilakad na lang namin ni Thomas. Sabi ko lang sa kanya na sana ay hindi kami magtagal dahil na rin yung dinner sa bahay hinahabol ko.
When we came in, medyo maraming tao dahil na rin siguro umulan. Jason Mraz was singing from the speakers. Hindi pa man kami nakakalapit sa counter, napatili na si Arra.
"VICKYYY!" Tuwang-tuwa niya na sabi at lumapit sa akin. Unlike noon na makita ko palang siya sinasaniban na ako ng poot, mas naging magaan ang pakiramdam ko ngayon towards her.
Kaya naman sinabayan ko na yung energy niya, "MISS ARRAAAA!"
She hugged me tightly. "I haven't seen you in a long time." Nakangiti niyang sabi. Humarap siya Thomas, "Ikaw ha. Sinosolo mo si Vicky." Nakasimangot niyang sabi.
Ohmygod. Bakit feeling ko shipper siya? Chez.
"Ha?" Sagot ni Thomas.
Mukhang lost si Pong. Ano ba ang bago?

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.