Ayos lang naman ang mga nakalipas na araw. Nakaya ko naman itago ang feelings ko at hindi pa ako tuluyang nalunod. Nagpractice kami ni Thomas for the dance. Doble training din ang peg ko dahil kasama ako sa Provincial Meet. Nagseserve din ako ng detention ko on my free time.
Hindi ako ininform ni Angel Locsin, sa akin na pala niya ipinasa ang bato ni Darna.
Nakakaya ko pa sana ang mga pangyayari sa buhay dahil sa motivation ko na date ko sa Prom yung Pagong until a day before the much awaited event, Thomas fucking Torres stupidly injured himself.
---
It was Thursday. Habang abala ako sa pag-seserve ng detention ko sa library, my phone kept on vibrating ibig sabihin ay may tumatawag. Wala sana akong balak na sagutin 'yon kaso nakakairita ang vibration ng phone ko. Tumigil ako sa pagtutulak ng cart para ibalik ang mga libro sa rightful shelves nila at saka kinuha ang phone ko na nasa bulsa ko.
Nagulat ako nang makita ang pangalan ni Thomas sa screen. He normally doesn't call me at school. Liban na lang pag sobrang importante.
Inayos ko pa ang buhok ko as if if naman makikita niya ako.
"Hello, Thom—"
"Ara, si Je 'to!" Nagkukumahog na sabi ng nasa kabilang linya.
"Jeron?" Nagtataka kong tanong.
"Ara!"
"Jeron!"
Narinig ko si Thomas na sumigaw sa background, "Don't tell her."
"Anong nangyayar? Don't listen to him. Tell me what happened!" Taranta kong utos.
"Papunta kaming ospital." Sabi ni Jeron.
Napatigil ako sa ginagawa ko. "Bakit?!" My voice was shaking as I asked him. Thomas was cursing desperately in the background.
"Thomas injured himself during training." Jeron broke the news. "You need to come."
At ako na ang napatakbo papunta sa ospital. Nakalimutan kong running for honors ako this year at posibleng maging Batch Valedictorian sa senior year namin, kasi hindi ko naisip na pwede namang sumakay papunta doon. Stupidity at its finest.
Kulang na lang liparin ko ang daanan, doon ko lang napatunayan na hindi pa pala napapasa ni Angel Locsin sa akin ang bato. Hindi pa ako nakakalipad.
---
Ngayong gabi sana ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Nakasuot dapat ako ng maroon na dress na ipinaglaban ko sa boutique na pinasok namin nina Mika at Kim a week ago. Dapat nakaayos na ang buhoy ko. Mahihiya si Pia Wurtzbach sa kilay at make up ko. Nakasakay na sana ako ngayon sa limousine na maghahatid sa akin sa venue ng Prom namin.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
Hayran KurguHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.