Mahaba, hindi gaano kaimportante pero ang hindi magbabasa bibigwasan! CHAROT.
Hi. In case you don't know me... My name is Nacha and I'm the person behind this story.
When I completed After All last year, it never occurred to me that I would write anything for ThomAra again. Kapag nagsulat kasi ako ng fanfic lalo na para sa isang OTP, sapat na ang minsan. Natatakot kasi ako na hindi ko kayang mapanindigan kung susundan ko pa yung nauna kaya nagsesettle na lang ako sa kung ano ang naisulat ko na. Sayang naman ang nasimulan at syempre hindi yun magiging masaya para sa mga mabibiting abangers at readers. Kaya naman noong natapos yung After All, kahit may iilang requests na magsulat ulit ako tungkol sa ThomAra hindi na ako sumubok pang muli. I told myself I had enough. Ayoko na. Charaught.
However earlier this year, the idea of writing another fanfic for my favourite UAAP pair struck me again. Impluwensya na siguro ng Season 78 Volleyball. Kaya kahit matumal ang ganap ng mga araw na yun, itinaguyod ko ang kahibangan ko sa ship na 'to sa pangalawa at huling pagkakataon. Haha.
January when I started writing drafts. Ilang beses akong umulit kasi pakiramdam ko walang patutunguhan yung mga naiisip kong plot. Parang tanga pa ako na umiiyak habang nagsusulat. Hahaha. Di ko kinaya ang sorrow ng mga kwentong na-conceptualise ko kaya tinigilan ko muna for few days.
Nung sabog na sabog na ako, tinanong ko yung kaibigan ko kung anong gagawin ko. Sabi niya, magsulat daw ako-masaya man o malungkot, ilabas ko raw lahat. Kung iiyak daw ako habang nagsusulat, umiyak daw ako. Kung matatawa daw ako, tumawa ako. Isulat ko raw lahat. Tapos naniwala ako sa kanya kaya tinuloy ko. Naka-tatlong first chapters ako sa iba't-ibang kwento pero hindi ko matuloy-tuloy dahil naiiyak ako tuwing magsusulat. Pinag-isipan ko ito nang malupit. At naisip ko na kung itutuloy ko yung gloomy theme, baka hindi ko matapos at mapanindigan. Medyo sa humorous side kasi talaga ako nabibilang simula nung nagsulat ako dito sa Wattpad.
Binasa ko ulit yung After All, kumuha ako ng idea. Syempre, dahil walang kwenta yun wala rin akong napala. Hahaha. Biro lang. Meron naman. Since third person yun at medyo seryoso ang tono, naisip ko na gumawa ng kwento na kabaligtaran. First person naman, tapos happy happy lang.
Gusto ko yung mababaw lang na kwento. Yung hindi ako masyadong mapepressure kasi dapat may sense at may values. Hahaha! Yung medyo cliché na hindi naman talaga sobrang cliché. Yung corny at cheesy para light reading lang. Ganern. Kaya high schoolers ang napili ko para naman ma-justify kahit paano ang pagiging pacute, cheesy at corny ng kwento.
I thought of a main character who is loud and funny. She eventually became your Narra. When I uploaded the first chapter, I made that little description that the story was based on the riveting tales of eighteen year old Ara's Slobby Firsts. Napagdesisyunan ko na ikukwento ko ang fanfic na ito mula sa perspective ng makulit, maingay, madaldal, assumera at gandang-ganda sa sarili na si Victonara. It became easy for me to create her character because I could relate to her. Maliban lang sa wala akong Pong. LOL.
Tapos given na yung Thomas Torres na character syempre di na yan dapat ipaliwanag. Sinama ko na rin si Jeron dahil kung nasaan si Ara ay nandoon si Mika. #JeMik21evs What. Tapos si Kim syempre. Hindi siya pwedeng iwan. Lagi na lang nga siyang iniiwan irl, I can't let her down this time. Lol. Then the other familiar names that also became the names of the rest of the cast.
For this fic, medyo nahirapan ako after five chapters. I never thought that it could be so hard to tell a story from one's perspective alone especially when some of you started hating Pong's character. Haha! I appreciate the suggestions to write from his perspective, but I decided to be loyal to my little promise to tell the 'riveting tales of 18 year old Ara' in the description. Naniniwala kasi ako na this story is for Narra to tell-- hindi kay Pong, hindi kay Je, hindi kay Ye, hindi kay Kim o kahit na sino pang character sa kwento. So sa mga nag-request ng POV ni Thomas at sa kasamaang palad ay hindi ko napagbigyan, humihingi ako ng paumanhin. Kung nadisappoint kayo na walang POV ni Thomas, sorry.
Nilagay ko rin nga pala sa description na baka burahin ko rin yung kwento kasi baka walang ganap na siyang magiging source of inspiration ko to continue writing. Lol. Fortunately, nasurvive naman so hooray!
Maraming pagkakataon na gusto ko na lang i-unpublish 'to dahil hindi ko na alam kung saan pupunta ang kwento nila. Gaya ni Thomas, ang dami kong holdbacks. Jusko. Nung May na halos walang update buong buwan, gusto ko na talagang i-delete itong kwento dahil stressed na stressed na ako sa research proposal ko pati sa mga requirements ko pero sabi ni same friend who encouraged me to write this... Wag daw. Hayaan ko lang. Magsulat lang ako ulit kapag marami na akong oras. So hinayaan ko lang nga. Akala ko talaga hindi ko na matatapos 'to pero ito na nga umabot na tayo sa final note ko. Cheret.
Actually, as early as first week of June tapos ko na talaga ang first draft nito. Hindi ko palang nga in-upload ng tuloy-tuloy because I felt sad about the huge hatred Shiela's character received sa huling chapter na in-upload ko by the time I finished the manuscript for this. Lol. Medyo nalungkot lang ako kasi it is not my intention to provoke you guys. :------( Ni-narrate ko lang naman yung mga posibleng sabihin ni Ara about her stalker being a loud and sometimes judgmental kid that she is in this story. Pinahupa ko muna galit ng mga tao at nag-repent na rin ako so medyo natagalan ulit yung update. Sa mga nasaktan o naoffend sa mga pagkakataong sumama ang imahe ni Bang dito, I'd like to apologize.
Sorry rin pala sa uncomfortable reading (grammatical and typographical errors with obvious loopholes eeeew) lalo na't hindi ko in-edit mga update. Pagkatapos kong isulat first draft, inuupload ko kasi agad. Minsan may mga nawawalang salita o di kaya napapagpalit na mga pangalan. Lol. Wala lang talaga akong panahon para mag-proofread pa dahil medyo busy rin akong nilalang. Ie-edit ko na lang 'to kapag marami na ulit akong oras. Sorry rin kung ang odd ng update sched ko. Haha. Kung hindi hapon, ala una ng madaling araw o di kaya very early in the morning. Mala-Thomas kasi ang kabagalan ng internet connection namin. Pasensya naman. Hehe.
But above all, I'm thankful because Slobby Firsts is over. So before I finally end this Author's Note, I'd like to say few more words to you guys.
Syempre, para sa lahat ng nagbasa nitong pa-goodvibes lang na kwentong 'to... Nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Hahaha. Part din kayo kung bakit nag-strive ako na tapusin. Hindi ko inasahan na marami ang magmamahal sa kwentong 'to kahit nga parang roller coaster lang tayo lagi na masaya-malungkot-naiinis-kinikilig-malungkot ulit. Masarap lang talaga sa pakiramdam na tiyanagaan niyo ito.
Yung maiingay na reader at laging intense ang emotion pag nagko-comment. Yung mga buhay ang dugo lalo na kapag madaling araw. Yung mga silent reader sa gigilid. Yung mga reader na tumawid mula After All papunta dito. Yung mga tambay sa Twitter (kahit hindi ko na alam kaganapan doon dahil hindi ko na nga maopen ang account ko). Yung mga nagbasa, bumoto, nagcomment, naghintay, gumawa ng covers at fanarts (Oh?). To the Thmr fanfic writers who inspired me to take this path a year ago (ayoko mag-tag I'm so shy Hahaha). Thank you... Thank you for this wonderful writing experience.
Kung nabitin man kayo, sana po abangan niyo ang Doughty Seconds-the sequel of Slobby Firsts told from Thom's perspective.
CHAROT! Baka seryosohin niyo ha. Walang sequel, my friends. Hahaha. Inuulit ko, WALA. Ito na yun. Whether you like it or not we have reached the end. Kung nabitin pa kayo, sorry na po. Hahaha. Hanggang dito na lang talaga tayo. 😉
I don't think I'll ever write again for these two lovely souls. So yeah. I hope that you enjoyed reading this crap as much as I enjoyed writing it. I know it isn't deep, as beautiful or as perfect as other Thomara fanfics out there. Pero sana naging masaya kayo habang nagbabasa. Yun lang naman yung goal ko e, to make you guys happy.
It has been a pleasure writing for y'all, ThomAra shippers. I wish you all a good and happy life. Thank you for the immense love and support. This is Eiffelinlove/Nacha officially signing off (as a ThomAra fan fictionist at least hahahaha). #NachaOut
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.
