#21

3.7K 169 90
                                    


Sobrang daldal ni Arra. Puro kwento siya habang nasa biyahe kami papunta sa Bahay ni Nanay na orphanage kung saan siya maga-outreach ngayon. Nakalakihan na raw kasi niya yung ganitong gawain bilang pilantropo yung Lola niya na lagi siyang sinasama kapag may ganitong klaseng activity. Naipamana sa kanya ang pagiging matulungin sa kapwa. Isuggest ko kaya na pumasok siya sa kumbento para mas mamaximize niya ang mercy and compassion for her brethren? Hehe.

Mukhang genuine din naman ang pakikitungo niya sa akin kaya kahit gusto ko na talagang magalit sa kanya hindi ko mahugot kung saang part ako dapat magtanim ng poot kay Arra. She really is a nice girl. Mabait talaga siya. Ganda pa. Kutis mayaman pa.

Oh, tama na Victonara. Ayan na naman tayo sa self-pity issues mo.

"We're here!" Excited na wika ni St. Arra sa tabi ko. Tumigil ang sasakyan at napatingin ako sa labas. Isang malaking building na medyo may kalumaan na ang hitsura dahil sa pintura nitong halos pafade na ang nasa harap namin. Sa lobby nito ay may mga madre na sila sigurong namamahala dito. Excited na kumaway si Arra sa kanila mula sa bintana ng sasakyan niya at kumaway din ang mga bata pabalik. Artista lang ang peg ni Ate.

Nang bumaba kami sa sasakyan, saka ko lang napansin na may isa pang van na nakasunod sa amin. Nang tumigil ito ay bumaba ang limang pasahero na lulan ng nasabing sasakyan. Nalaman ko na kasali sila sa team dahil nung bumaba ang mga sakay ay lumapit yung isang Kuya kay Miss Arra. Pansin kong medyo mukhang tao naman si Kuya. Wala e. Si Thomas na kasi ang standard ko ng gwapo these days kaya di ko masabi kung gwapo si Kuya. Okay naman siya. In a scale of zero to gwapo, baka nasa pogi level siya. Hindi na rin ako nagtaka, sa ganda ni Arra malamang good looking din ang friends niya.

Natigil ang pagmamasid ko nang nakarinig ako nang tawag mula sa likod ko.

"Uy, Narra. Help." He pleaded.

Nilalabas na pala ni Thomas yung mga kahon na dala namin. Lumapit ako para tulungan siya. Inabutan niya ako nang box na may lamang biscuits.

"Sino 'yun?" I asked saka nginuso ang ngayon ay magkasama nang si Miss Arra at si Kuya.

Thomas glanced at their way. "Kaibigan niya. Tumutulong din."

Tumango ako. Ang friendly naman ni St. Arra. Kung sa bagay, madali naman siyang pakisamahan dahil nga sa bukal niyang kalooban.

"Ito pa, Ars!" Sabi ni Thomas at dinagdagan ang buhat kong kahon.

"Uy mabigat na!" Reklamo ko agad.

He smiled. "Ayos lang yan. Malakas ka naman!" He said while showing off his bicep. "Go Vicky!" He cheered.

Langyang 'to. Tapos siya walang dala? Gumaganti ba 'to? What the hell. Hustisya!

"Bastos ka talaga, Thomas!" Inis ko na sabi. "Walang galang!"

"May galang ako!" Depensa niya. "Ikaw. Ikaw ang Galang ko." He said proudly.

Ano raw 'yun? Umecho echo sa pandinig ko ang winika niya.

Galang ko.

Galang ko.

Galang ko.

Umiling ako para ma-wear off ang namahay sa pandinig ko. Pucha! Ang lakas makapirated DVD nito sa pag-replay. Sinamahan pa yun ng instant bilis ng pulse rate, eyes dilating, difficulty of breathing, butterflies in my stomach and weakening of my tuhod. Muntik akong mawalan ng balanse dahil napaatras pa ako but he quickly grabbed my arm.

"Uy! Ayos ka lang?" Worried niya na tanong.

"O-oo." Hindi ko makatingin na sabi. Nung binitiwan niya ako, nagnormal ulit ang pakiramdam ko. Muli siyang bumalik sa kotse ni Arra para kunin yung natitirang box. Nung sinara niya ang pinto ng kotse ay humarap siya sa akin, "Tara?" He asked.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon