#23

5.1K 189 79
                                    





Sa school ang meeting place namin. Iipunin muna lahat ng athletes ng St. Catherine bago sabay-sabay na pumunta sa quarter venue at magtitrain along with the other players ng Pampanga for a week bago magtatravel sa Nueva Ecija para sa Regionals.

I was looking out the window as our family's vehicle travelled towards my school. Hindi naman sa first time kong mahihiwalay sa mga magulang ko dahil mula nung middle school at nakahiligan ko ang paglalaro ng Volleyball, halos taon-taon na rin akong suki ng Regional Games. Medyo nakaka-sad lang ng very light this year dahil na rin sa hindi tulad dati, hindi na kasama si Thomas. Nalagasan ang Golden Trio namin nina Teng ng isang member.

It makes me sad to be honest. May pahawak-hawak pa akong ganap sa salamin ng bintana ng sasakyan namin habang tumutugtog sa earphones ko ang kantang Leaving on a Jet-plane. Ang sarap pa nang papikit-pikit ko habang dinadama yung lyrics ng kanta nang makaramdaman ako ng kalabit sa kaliwang balikat ko.

Ginalaw ko ang balikat ko para matigil yung kalabit kaso hindi siya nakuha sa ganun dahil nang sumunod na pagkakataon, hinila-hila na niya ang sleeves ng t-shirt ko.

"Bakit?" Pikon kong tanong as I shot him my coldest glare.

Thomas's puppy face confronted me one big time. "Pahiram phone."

Nandito pala siya dahil kasama nga siya sa send-off party ko. Oo, hanggang sa school nga.

I raised an eyebrow. "Bakit?"

"Makikitext lang." He said.

"Wala kang load?" Takang-taka kong usisa.

"Wala."

"WEH? Ikaw mawawalan ng load?" Tanong ko. Maubos na siguro ang burritos sa canteen namin tuwing lunch time pero hindi ang load ni Thomas. Naka-plan kaya ang phone niya na hindi naman niya nagagamit dahil di siya nagtetext or tumatawag except kung kailangan.

"Deadbatt." He showed me his phone na in-open niya pero hindi na nga bumukas. Parang ayoko pa ring maniwala, he looked suspicious. Pero dahil sa maaga pa at ayokong masira ang buong Lunes at buong linggo ko na rin dahil sa Thomas na 'to, inabot ko na ang cellphone ko sa kanya.

Nakangiti niya 'yung kinuha sa akin. Muli kong ibinaling ang tingin sa labas ng bintana, kaso hindi pa man ako nakakabalik sa Music Video Shoot mode ko binalik na niya agad yung phone ko.

"Oh ito na. Thanks." Tapos sinuot na rin niya earphones niya at hindi na ako kinulit pa. Kakaiba na talaga ang kilos ng mga tao ngayon. Kapansin-pansin na talaga ang pag-iiba sa ugali nila. Dala kaya 'to ng climate change?

Isa sa maraming dahilan kaya ayokong nakikitext si Thomas sa cellphone ko ay hindi niya binubura yung conversation history nang kung sino man ang kausap niya. Ayoko kasing nakikialam sa pag-uusap ng ibang tao. Madalas naman ay mga schoolmates lang namin ang tinetext niya. Mine-message niya ang mga ito nga mga reminder o di kaya kapag nagtatanong siya kung may assignment sila na malamang ay hindi naisulat ni Jeron sa mahiwagang notebook nito. Ewan, di lang kasi siguro ako sanay na puno ang inbox ko. Ugali ko kasing magbura.

While sitting there, napatingin ako sa rearview mirror at nakita ang reflection ni Thomas na nakapikit. Alam kong hindi siya tulog dahil nakangiti siya na parang tungaw. Nag-iba ata ang pakiramdam ko nang makita siyang ganun kaya kahit di ko ugali pasimple kong chineck kung sino yung tinext ni Thomas kaso nung chineck ko yung inbox ko wala namang newly sent na message.

Nagbubura na siya? I sighed. Pero sino kaya yung tinext niya na kailangan niyang magbura?

Kunwari nag-isip ako nang ibang pangalan pero isa lang naman talaga ang posibleng tao...

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon