#33

3.2K 181 61
                                    



Matapos ang performance sa school ay nagyaya na nga ang JeMik at si Kim para magcelebrate kami sa success ng play. Pinahanap muna namin yung Kahit Saan kay Thomas tapos nung hindi niya nahanap, nagdecide kami na pumunta na lang sa Party Box. Hindi ito yung kahon ng assorted biscuits na inuuwi sa probinsya kapag nagbabakasyon. Isa itong recreation center para sa mga teenager.


Two-storey building iyon kung saan ang first floor, simpleng arcade. Yung second floor, may maliliit na fun boxes or private salon kung saan pwedeng manood ng movie or mag-karaoke. Bukas yung Fun Box mula 2:00 PM hanggang 10:00 ng gabi. Kadalasang pumupunta dito ay mga College students pati na rin high schoolers tulad namin.


Dahil feeling nila we're too old for the arcade, naisip nila na mag karaoke na lang kami. We bought some snacks in the lounge and rented a room on the second floor. As soon as he music has been set, kanya-kanyang kantahan na sila.


I was so tired that I only sang a song. Ayaw naman bumitaw ni Kimy sa mic pati si Jeron na hindi pa rin mahuli-huli yung lecheng tono na yan. Nakakahiya kasi sa kanya, yung kanta na dapat yung mag-adjust. Thomas sang a couple of Parokya ni Edgar and Eraserheads hits.


"Oh ito para sa kaibigan ko." Patawa-tawang sabi ni Kimy.


"Sinong friend, Kim?" Mika asked.


"Basta mahilig sila sa MarJo." Kim giggled.


Nagtaas ng kamay si Jeron. "Kaming tatlo mahilig sa MarJo!"


I rolled my eyes. Na-Thomas na naman siya. Natahimik na kami pagkatapos. Nagsimula yung tugtog at hinataw na agad ni Kim ang kanta.


//Kinikilig naman ako sa shy na lalaki// Tipong ligaw tingin wag mong kausapin napipipi//


Natawa ako. Gagang, Kim.


//Pero over ka hindi makuha sa lambing// kahit pa-tweetums na tulad ko'y mababato rin// Maari bang malaman ko kung feel na feel mo nang sabihin ay sabihin na ito// Request ng puso ko'y ikaw// Kung tameme ka tiyong ako na ang manliligaw//


Napatingin agad ako kay Thomas na hindi ko akalaing nakatingin na sa akin. I quickly looked away, my face flushed. Kainis. Bigwasan ko 'tong si Kim e.


Naconsume na namin yung kalahati ng oras na nirent namin nang maramdaman kong naiihi na ako. Habang abala ang tatlo sa kakakanta, tumayo naman ako para maghanap ng CR.


"San ka?" Thomas asked as he looked over the song book.


"CR lang." Sabi ko. "Babalik ako agad."


Pagkalabas ko ay pumunta agad ako sa Ladies' Room sa floor namin. Yun nga lang, out of order. Nagtanong ako sa guard na on duty doon kung saan ang ibang CR.


"Sa first floor po, Ma'am,"


Agad naman akong bumaba para hanapin yung CR na nawawala. Dahil medyo gabi na noon, halos kaunti na lang ang taong nasa arcade... Magtatanong na sana ako kung nasaan ang CR nang may makita akong female college student na napadaan. Thinking na papunta siya sa CR, sinundan ko si Ate Girl downstairs.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon