#32

3K 168 64
                                    

Naging okay naman kami ni Thomas ng mga sumunod na araw. Hindi na ako pumalag pa sa pagtulong niya kay Madison kita naman kasi ang improvement ng huli sa mga eksena nila. Mas napabilis yung usad ng rehearsal. A day before the presentation, nagtest na kami ng mga mic na gagamitin nila kinabukasan. Ayos na rin ang props.

Maaga namin tinapos yung huling gabi namin para makapagpahinga ang lahat para sa presentation na gaganapin bukas ng hapon. Nasabi na ni Janeena na kami yung huling act so napressure sila lalo. Ayoko na isama yung sarili ko, simula palang nung sabihin sa akin na kasama ang Omnia Vincit Amor sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pressured na ako.

"Agahan na lang natin bukas, guys." Paalala ni Earl sa lahat. "General dress rehearsal na. Please do come early para wala ng delay." He said the last words while looking at Madison.

I tried not to laugh. Ramdam ko yung pikon ni Earl sa kanya pero matatapos na rin naman 'tong paghihirap na 'to. Sabi namin dati na kung okay pa yung takbo ng pag-iisip namin matapos ito, ililibre namin ang isa't-isa. Kailangan ko na atang dumilehensya para may panlibre kay Earl.

"Ara, would you like to say something?" Earl called.

"Oh yeah." Patakbo akong umakyat sa stage para lumapit sa kanya. "Tomorrow's our big day. I'd like to thank all of you for exerting effort for this play. Alam ko naman na sumali lang kayo dito dahil may libreng merienda at sa additional points na pinangako nila Ma'am."

Nagtawanan sila.

"But really guys, thanks a lot. Let's break a leg tomorrow." I finished with a smile.

We ended the night with some reminders. Yung totoo, hindi ako nakatulog sa sobrang excitement nung gabing yun. Bukas, ipapalabas sa school yung joke na play ko. Wala na akong pakialam kung magustuhan nila o hindi. Ngayon palang, sobrang proud na ako sa sarili ko dahil hindi lahat nabibigyan ng pagkakaton na tulad nito.

The next day while I was preparing for school, nakatanggap ako ng mensahe mula kay Miss Gumabao asking me to gather the cast and crew at school before 8 am. Pinasa ko yung text ni Ma'am sa mga kasama ko. Nang lumabas ako, naghihintay na si Pong.

"Ano yung forwarded message ni Miss Gumabao?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako, "Hindi ko alam." Kabado kong sagot. Wala naman sinabi si Ma'am na manonood siya ng rehearsal namin ngayon umaga kaya naman labis yung pagtataka ko at pinapunta niya kami ng maaga sa school. Maaga pa sa call time dapat namin.

Alas siete y media nang dumating kami ni Pong sa auditorium kung saan nakaset na ang stage. When we arrived, almost everyone was there. Everyone, except Madison.

"Ara!" Sigaw ni Earl sa akin. Umalis si Thomas at dumiretso sa tabi ng ibang characters.

Hinarap ko si Earl, "Anong meron?"

"I don't know." Pailing iling niyang sagot. "Hindi kaya ika-cancel nila yung play?"

Sayang ang pagod namin. Ayoko maging negatibo tungkol dito pero the same thought had been recurring in my head since I read that text message earlier today.

"Hindi naman siguro." I uttered. "Nasaan si Madison?" Tanong ko. I looked around and I couldn't see her long back hair that it was so shiny she could be a Palmolive girl.

"Hindi ko pa napapansin e." Sagot ni Earl.

Late na naman siya? Wala talagang kadala-dala. I thought while shaking my head.

Ilang saglit pa ay dumating na si Miss Gumabao. She wore a serious face until she stood up the stage. She asked us to gather at the audience. I suddenly felt like choking as I looked at her.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon