Pagkatapos kong sabihin kay Mama na uuwi ako sa Magalang tulad ng gusto ni Lola Miriam, tumuloy pa rin ako para makipagkita kay Kim at Mika. Kinuwento ko yung nangyari with the end note na magmomove on na ako. Gusto pa sana nila akong ipaghiganti because that's what friends are for, right? When you can no longer do it yourself, they will avenge you wholeheartedly. Pinigilan ko sila syempre. Sabi ko pa, "Wala na rin namang magagawa yun, guys. Hayaan na natin silang maging masaya." Muntik akong maiyak nung sinabi ko yan kasi naisip ko, shit nagmature na talaga ako. Charot.
Kim was still hesistant about this whole thing though. May loopholes pa raw kaya wag akong magconclude. But my heart has decided already... I want to break free. Ito na nga oh, pabiyahe na kami sa Magalang, Pampanga.
Victonara Salas Galang is travelling to Magalang, Pampanga.
Pumunta ako sa privacy setting para i-hide yung post kay Thomas Christopher Torres. Hindi na niya kailangang malaman na wala na ako.. Wow, as if naman hahanapin niya ako di ba? Pero no. I won't give him any detail of my departure. Maghintay lang siya, pagbalik ko I'm already a changed woman. You just wait, Pong.
Ihahatid ako ni Papa sa bus station. Mag-isa lang akong babiyahe kasi nga may trabaho pa sya at malelate siya kung ipagdadrive niya pa ako sa Magalang. Halos dalawang oras na back and forth trip din yun mula San Fernando. Syempre dahil sabi ko nga kanina na mature na ako, hindi na ako naghinanakit na hindi ako prionioritize ni Papa at inuna niya pa yung trabaho niya. Sige lang. Sanay naman ako na laging pangalawang priority e. Chos.
Dala ang back pack ko ay nagmartsa na ako palabas ng bahay. Pinabaunan ako ni Mama ng isang paper bag ng iba't-ibang pagkain.
"Ara, dalhin mo 'to." Inabot niya sa akin yun.
"Mama naman e. Nag-abala ka pa..."
"Aba syempre. Para sa Lola mo yan ha. Wag mong babawasan, para kay Nanay yan..."
Natawa na lang ako. Hindi na ito bago. Pati Nanay ko, hindi ako ang priority. Nasa sasakyan na si Papa nung lumabas ako. Kaso saktong paglabas ko sa gate namin ay binuksan din ni Teng yung sa kanila. Mukhang bagong gising pa siya at halos hindi pa nga mulat ang mga mata niya. Magulo rin ang buhok niya at humihikab pa. Nakasuot siya ng hoodie, shorts at Havainas. Nang mapatingin siya sa direksyon ng bahay namin ay naningkit ang singkit na agad niyang mga mata. He pouted.
Pakshet. Mukhang pato si Jeron. Pero wait... Ohmygad. Baka sabihin nito kay Thomas ang nakita niya. Dapat secret lang 'to.
"Papa, sandali lang ha." Paalam ko saka patakbong lumapit kay Jeron.
Nakatingin siya sa sasakyan namin hanggang sa tumigil ako sa tapat nila. Napatingin siya sa backpack ko bago sa akin. I smiled.
"San ka pupunta, Galang?"
I tucked my hair behind my ears. Oh yes, friends. Keriboom ko nang gawin ang gesture na yan dahil finally pahaba nang pahaba na ang hair ko.
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.