#28

4.1K 183 113
                                    



So yeah, there you go. I am the Queen of the Martyrs.


Nasaktan ako kasi hello? Deserve ko kaya yung Reina Elena. Actually, kahit Reina Emperatriz na lang e (which by the way nakuha ni Bang). Feeling ko talaga na-curse ako ni Umbridge, hindi lang 'to basta malas ako sa bunutan. Nagconspire sila na gawin 'to sa akin at ito nga at nagtagumpay sila.


Ang sakit, sakit...


Hindi lang ako ang may apela tungkol sa nabunot ko. Si Kim din.


"REINA ELENA?!" She bellowed. "Anong tingin nila sa akin?" Mangiyak ngiyak niyang tanong lalo na nang malaman na pagsusuotin siya ng puti at gold na nirequest ni Father para heavenly daw ang peg. "Hindi na ako makikita sa parada. Grabe. Walang hustisya!"


Kung may sobrang saya man sa mga nangyari sa draft na naganap, si Jeron na siguro 'yun. Si Mika ang nakasungkit ng Reina de las Flores kaya naman kampante na si Jeron na magkaparehas sila sa prusisyon.


"Dapat kasi Ara, ginalingan mo bumunot! Edi sana ikaw yung Reina Elena!" Pang-aasar ni Jeron habang naghuhugas kami ng plato kinagabihan pagtapos kumain. Nakonsensya na kami dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Nanang ngayon, kaya naman namin magligpit ng pinagkainan kaya kami na ang nagvolunteer na gawin 'yon.


Sinamaan ko siya nang tingin, "Alam mo namang malas ako sa ganun e."


Natawa siya. Si Kimy naman panay ang ngawa. Kung hindi ko tanggap yung akin, mas hindi niya tanggap yung kanya. Actually, niyaya nga niya akong makipagpalit sa kanya kanina pero ayoko nun. I live for honesty, sincerity, integrity. Pak.


"Sino na magiging partner ko nito?" Problemado kong parinig sa Pagong na abala sa pagbabalik ng mga nabanlawan na naming utensil sa rack.


"Basta akin si Mika." Kinikilig na wika ni Jeron.


I glared at him when Thomas stood beside me.


"Hey Ara." He said.


Oh sht. Siya na ba ang magbo-volunteer to be my escort? This is it pancit. Mabilis akong humarap at wala nang patumpik-tumpik pa na sumagot, "YES!"


He raised an eyebrow. "Kailangan, sisigaw?" Inabot niya sa akin yung baso, "Ayusin niyo nga magbanlaw, ang dulas pa ng baso o. Dalawa na nga kayo di niyo pa magawa trabaho niyo ng maayos." After he said that, he turned his back and left.


"Ginalit mo na naman si bae." Inis na sabi ni Jeron at winisikan ako ng tubig.


Pengeng hopia... Dessert lang.


---


The rest of the night was spent with us fooling around. Nagpakwento si Mika ng love story nina Lola Miriam at Lolo Rodrigo. Classic kasi yung love story ng grandparents ko.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon