#3

3.8K 152 17
                                    




Isang korning Thai Horror film ang napanood namin. Akala ko pa naman matatakot ako at makakanakaw ng malupit na skinship kay Je, but I was wrong. Tawa nga sila nang tawa ni Thomas while watching. We finished watching the movie at naabutan kami ng mga kapatid ni Thomas. Syempre, dahil dito na ang mga bagets kasama ang Nanny nila naisipan na naming lumabas. Hindi kami pwede tumambay kina Jeron dahil malaman, nandun pa ang mga parentals para sa block meeting nila. Nagbisikleta na lang kaming tatlo at nung napagod ay tumambay sa rooftop ng nag-iisang apartment complex sa Calle De Jesus.


Ninong ko ang may-ari ng Apartment Complex na ito pero wala na sila sa Pilipinas ngayon except from their son, Kuya Baste (short for Sebastien), who by the way, partly manages the business. Graduating na si Kuya Baste sa college. Gusto niyang sa Pilipinas tapusin ang pag-aaral niya kaya naman when the family moved out two years ago, nagpaiwan siya. Susunod na lang siya kapag gumraduate na siya at naipasa ang exam niya as CPA. Accountancy kasi ang kinukuha ni Kuya.


May sampung apartment rooms ang mayroon sa building nina Kuya Baste. The building is divided into five floors. Syempre may groundfloor kung saan nagsstay si manong guard and his co-workers (utility, etc etc), samantalang each floor naman ay may tatlong spacious apartment rooms. Sa fifth floor ang area ni Kuya Baste. At doon kami madalas na tumambay dahil dyan.


Masayang tumambay sa rooftop. Tahimik doon at mahangin. Kitang kita pa ang stars kapag gabi. Kapag nagsawa na kami sa kakaikot sa mga bahay namin, dun kami napapadpad. Wala namang problema sa tenants at kay Kuya dahil halos lahat ng nakatira doon ay nasubaybayan na ang paglaki namin. Normal na scenario na lang na makita nila kaming pumapanhik don. Hindi naman kami nagkakalat o nag-iingay. Kapag mabait nga kami may libreng snacks pa kami from Kuya.


Nakahiga si Thomas sa makeshift bed na nilagay doon few years back when the family moved out. Nalulungkot kasi si Kuya Baste na makita na walang gumagamit ng kama nila so nilabas na lang niya para magamit namin kapag tumatambay kami doon.


That particular Sunday afternoon, the three of us sneaked again. Naabutan naman kami ni Kuya na palabas na noon. Magsisimba daw siya.


"Ay guys, may kailangan pala akong hiramin na notes kay Migo." Biglang sabi ni Jeron. Kaklase nila si Migo na nakatira sa kabilang kanto. Kapit bahay ata yun nina Kim at Mika.


"Hiramin? What happened to the notes you've taken?" Curious na tanong ni Thomas sa kanya.


Oo nga. Massive note taker si Jeron, anong notes ang hindi niya nakopya? Nacurious rin tuloy ako.


"Sa Trigo. I skipped one class di ba, Thom? Yung pinatawag ako ni Sir Villanueva para sa career interview?" Jeron reminded him.


Tumango si Thomas. "Oh yeah, I remember."


"Kuya Baste, sabay na ako!" Tawag ni Jeron.


"Sige, lock ko lang 'to."


When Kuya Baste had locked his room, umalis na sila ni Jeron. Naiwan kami ni Thomas by ourselves. Nahiga na ako sa kama dahil medyo nangalay ang mga binti ko sa kakapedal. Umupo naman si Thomas sa may paanan ko banda. The sun was already setting kaya hindi na mainit sa area.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon