The night when we parted ways, I headed back home as a lost soul.
Hindi ako pinatahimik ng idea na baka si Arra ang thirdwheel. So at 11 pm when I was supposed to be sleeping soundly, I got up from my bed, opened my laptop and ransacked every side of the world wide web to find who that Surname-less Arra is.
Dahil wala akong mapapala sa Google ay nauna akong pumunta sa Facebook ni Thomas. Baka friends sila doon. I typed my her name sa search engine ng friends list ni Pong.
AR
Naunang lumabas ang pangalan ko. When I hit the R key again, her name instantly popped on the screen. Magkaibigan na sila ni Thomas sa Facebook. Anak ng!
Arra San Agustin
I clicked her name and it brought to her Facebook page. Hindi nakaprivate ang account niya kaya naman hindi ko kinailangang i-add or mag-subscribe dito para lang makakuha ng impormasyong hinahanap ko. Hindi siya mahilig mag-selfie. Kaunti lang ang lamang ng profile picture album niya ngunit ang lahat ay may daan-daang likes. Ang ganda naman kasi ng mga kuha niya. Hindi lang ito basta sa angle ng kumuha o sa suot niya o sa background. Maganda lang talaga siya.
"BAKIT?" I cried.
Naghanap pa ako kapintasan sa profile niya. Sad to say, I didn't find any. University student na pala siya. Akala ko magkaedad lang kami kanina. She's a freshman in the U. Hindi lang kutis niya ang mayaman, mayaman talaga sila. Nakita ko ang blog niya kaya pumunta rin ako doon. Doon ko nakita ang advocacy niya. Philanthropist si Ate. Tumutulong siya sa mga Katutubo at Orphan. All of the comments in her blog were positive.
Hindi ko na kinaya pang mag-browse kasi nasasaktan na ako sa perfection niya.
Kung hindi sana siya maganda, mayaman, matalino at mabait... Mapapadali lang ito. Kaso hindi. And inasmuch as wanted to hate her, I couldn't. She seemed like a good person with all her advocacies.
Ano ba ako kumpara sa kanya?
You are his very good friend... My heart reminded me.
Is that even a good thing? I felt my heart heavier than it already had.
Kinaumagahan pagkagising ko ay nagprepare na agad akong pumasok sa school. Although wala ng class, pumapasok pa rin kami for things like signing of clearance and Thomas Torres sighting. Chos.
We were eating dinner when Mama asked me, "Nga pala, Vicky. Tuloy ang Singapore trip natin for Holy Week. Nakapag-book na kami ng tickets."
Sht. Hindi ako pwedeng lumayo pa. Baka pagbalik ko ng Pilipinas mula sa trip na ito, si Thomas at Arra na. Na-advance na naman ang pag-iisip ko.
"Ma, ayoko sumama." I told my mother firmly.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.