Naglalakad ako sa kahabaan ng Calle de Jesus. I was still in my pyjamas dahil kagigising ko lang at inutusan agad ako ni Mama na lumabas para bumili ng mantika sa tindahan ni Aling Nena. Mataas na ang sikat ng araw, siguro ay alas ocho o alas nuebe na rin ito. I yawned as I hugged the bottle. Tinanghali ako nang gising dahil napuyat na naman ako kagabi. Nasa tapat na ako ng Apartment Complex nina Kuya Baste nung napansin kong nakaparada sa tapat ng gate nila ang kotse ni Thomas.
May lakad kaya ang Pagong? I wondered.
Ilang saglit pa ay lumabas na siya na may dalang balde ng tubig, tabo at sponge. Dito ba siya maliligo? Joke. Syempre, maglilinis siya nang kotse niya. Binagalan ko ang paglalakad para mapagmasdan pa siya este para makapagtago dahil baka asarin na naman niya ako na nagpapagala sa Kalye namin na nakapantulog pa. Ayoko na siyang bigyan ng rason para alaskahin ako.
Kaya kahit alam kong kailangan na ni Mama ng mantika niya, nanatili lang ako sa likod ng truck na nakaparada malapit lang sa kung nasaan si Thomas. Binuhusan niya ng tubig ang harapan ng sasakyan niya. Hindi niya ata napapansin na natatalsikan na siya. Seryosong seryoso siya sa pagpapaligo sa kotse niya. Bawat sulok e kinukuskos niya ng sponge. Nung naubos na ang laman ng balde niya, I readied myself. Kapag bumalik siya sa loob para kumuha ng tubig, kakaripas ako nang takbo papunta sa bahay namin para hindi niya ako makita. That was the plan. Ang solid di ba?
Sa kasamaang palad, Plan A lang ang naabot ng utak ko nung umaga na yun. Tulog pa ata ang neurons ko. Naghintay ako na umalis si Thomas kaso tinola, hindi man lang siya kumilos. Napansin na ata niyang nabasa na ang shirt niya. Syempre nakita ko yun kasi dumikit na sa katawan niya yung tela ng puti niyang t-shirt. Nakatalikod siya sa akin kaya likod lang talaga ang naabot ng 20/20 vision ko. Dahil di ko naman makita ang harap, inimagine ko na lang. Chos. Nagbilang ako nang hanggang tatlo para umalis siya pero hindi siya umalis. My eyes widened when he removed his shirt.
Oh my gods. A piece of heaven has fallen on earth.
As he stood there in his all Greek godly splendour, I struggled with my own breathing. Ito na naman. Ilang beses ko na ba siyang nakitang hubad tulad nito, mula pagkabata actually. Pero bakit iba ata ang epekto nito sa akin ngayon? Pakiramdam ko tumaas ang temperature ng katawan ko ngayon. Lalagnatin na ata ako.
Tapos, biglang humarap si Thomas sa direksyon ko.
Ay puta. I cursed in my head as I swallowed hard. Nakita na niya ako. Nahuli na niya akong minamanyak este tinititigan ko siya. Hohmygad.
He stared at me for a moment. Napahigpit ang hawak ko sa bote ng mantika. Tapos, naglakad siya palapit sa akin. Dumoble ang bilis ng pulso ko. Tumigil ang half-naked na si Thomas sa harapan ko. Sa tapat ko mismo.
"Good morning," Bati niya.
Tangina. Babati lang ganito ka close?
Tumango ako to acknowledge his greeting, hindi ako makatingin sa kanya. Napakalapit kasi namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko lumampas na sa capacity ng thermometer ang body temperature ko. Sobrang init na ng pakiramdam ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/63063034-288-k110697.jpg)
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanficHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.