Sino nga naman ba ang mag-aakala na matapos ang lagpas ang napakaraming chapter at ilang buwan mula noong ginusto ko si Thomas, may usad na sa wakas.
"Congrats, Baby Vicky!!" Tili ni Mika nang maikwento ko sa kanila ang latest ganap ng MV NarraPong.
"Enebe meliit ne begey." Nahampas ko si Mika habang nagpapabebe.
Tapos bigla na lang umalingawngaw ang napakaganda kong pangalan sa gym, "VICTONARA!" Napatingin ako sa court kung nasaan nagti-training ang basketball team. Naghihintay na lang kami na matapos sila dahil kami na ang susunod. Masamang nakatingin si Jeron Alvin Teng sa akin. Nakita niya siguro yung pananakit ko kay Mika. I stuck my tongue to annoy him further. His frowned and submissively went abck to his training.
"So ano na ngayon, Vicky?" Tanong ni Kim.
Sinundan ko nang tingin si Pong na patakbo-takbo sa court. "Oh?"
"What's your next step after knowing that Thomas likes you?"
Napatigil ako sa ginagawa ko at tinignan si Kim, "Kailangan may next step? Hindi ako naorient!"
"Syempre dapat meron, paano lalayag kung hindi susunod sa due process." Sabi ni Mika.
"Ako na naman?" Tanong ko. "Ako na naman ang gagawa?"
"Ano ka ba? Tinanong ka lang naman natin. Hindi mo na kailangang gawin yan. Pwede namang maghintay ka na lang na dumamoves si Thomas. Madali na lang yan." Paasang sabi ni Daks sa akin.
At tulad ng nakasaad sa kasulatan, ako ay naghintay.
---
Nang naghintay at naghintay... Hanggang mag-September.
Sadly, walang further ganap na nangyari between Thomas and I. Pero kahit walang ganun, naitaguyod naman namin ang August dahil palagi naman kaming magkasama. Naisip ko na hindi na rin ako lugi. Nag-celebrate ang team Omnia Vincit Amor after ng success namin. Sinama na rin namin si Madison na bahagyang nakarecover na sa nangyari sa kanya.Syempre nalibre na namin ni Earl ang isa't-isa. Nag-exam na rin kami for the first quarter.
August ended just fine for all of us.
"DAMN! May bagong pelikula ang JaDine!" I announced as we sat for lunch at school. "Sinong sasama sa akin para manood?" Paanyaya ko sa kanila. Sa weekend magso-showing ang bagong pelikula ng JaDine. Naexcite ako kasi natutuwa talaga ako sa kanilang dalawa.
Napatingin ako kay Jeron at Mika na may sariling mundo, halatang hindi nila narinig ang tanong ko. O baka naman hindi lang talaga sila interesado? Napatingin ako sa direksyon ni Kim.
Agad siyang napailing, "May naka-schedule na."
"Si Al-"
"SIGE! ITULOY MO YAN!" Banta niya, nakatutok sa akin yung French bread na inorder niya.
Natawa ako. Pero medyo nalungkot ako... First time 'to na tinanggihan nila ako na manood ng movie. Mukhang dadami pa ang mga araw na tatanggihan nila ako. I frowned.
"I'll go." Sabi ni Thomas sa tabi ko.
My head automatically spun to his direction. "Weh?"
"Ayan si Thomas... Tutal naman kini-claim niya na kamukha niya si James Reid." Natatawang sabi ni Mika.
Ito na naman tayo. Few days ago, hindi ko alam kung saan niya hinugot pero pinapangalandakan ni Thomas na magkamukha sila ni James Reid after kong sabihin na ang hot ni James. Yuck talaga. Crush ko si Thomas but James Reid is another story. Hindi ko tanggap yung advocacy niya ha. Hindi talaga.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.