#4

3.6K 145 38
                                    



Nalaman ko kay Thomas na si Jeron ang um-effort para sa mini birthday party na hinanda nila para sa akin. Noong sumunod na umaga kasi ay nagkasabay kami ni Thomas dahil maaga raw umalis si Jeron sa kanila, sinabay na siya ni Mr. Teng.


Inasar ko kasi si Thomas, pakunwari akong nagpasalamat sa effort niya. Inassume ko kasi na sya ang nagplano nun dahil na rin sa mga napatunayan ko nitong mga nakalipas na araw tungkol sa kanya. Tapos siya pa yung nag-text sa akin na pumunta sa rooftop the same day.


"Pong, thanks sa effort ha." Sabi ko sabay lean sa kanya nung nasa bus na kami papunta sa school.


He pulled out his earplugs at hinarap ako, "Pinagsasabi mo?"


Maldito mode na naman po si Uncle.


"Effort mo kagabi para sa birthday ko." I replied with a grin.


"Ba't ako mag eeffort para sa'yo?" Cold niya na tanong sa akin.


I stared at him."Hindi ikaw?" Napatingin ako sa bintana. "Sin—o?" Tanong ko. May delay pa sa sino dahil by the time na masabi ko ang huling syllable ay narealise ko na kung sino.


"Si Jeron." Thomas confirmed.


Si crush naman pala.


"Ohhhh...." Pangiti ngiti kong sagot sa kanya.


"Why would you think na ako 'yun?" Inis niya na sabi. "It's so gay." Sambit niya at binalik sa tainga ang earphone niya.


Homophobic daw siya. Mapagbalat kayo!


Hindi na ako pinansin ni Thomas hanggang makarating kami sa school.


---


Lutang ako buong umaga sa mga klase namin. Pinilit ko namang makinig sa kanila pero lumilipad talaga ang isip ko sa kabilang building kung nasaan si Jeron. Kung ganito nang ganito baka bago matapos ang kwentong 'to, baliw na ako.


"Huy Daks, ano bang nangyari sa'yo kagabi? Ba't parang wala ka sa sarili mo?" Tanong ni Mika habang nakapila kami sa canteen para magbayad ng lunch namin.


"Halata ba?" Tanong ko rin.


Tumango si Mika. "Magtatanong ba ako kung hindi?"


"Ahh.. Oo nga 'no." Sagot ko sabay bayad sa counter.


Nagkatinginan sina Mika at Kim. Kumuha naman ako ng spoons and forks namin. Kinuha namin yung 

pwesto na malapit sa bintana. Nung nailapag na namin ang mga tray namin, nagtanong na si Kim.


"Problema mo ba?"


Umiling ako.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon