Akala ko masakit na yung kay Jeron dati. Walang-wala pala 'yon sa hopiang binigay sa akin ng langit ngayon. Thomas is my first official heartbreak.
Natapos ang pag-uusap namin ni Thomas noong tinawag siya ni Kuya Quinn na siyang SC Vice President namin. Nagpaalam din ako sa kanya pero tumakbo ako sa kakahuyan at doon ako umiyak. Hinintay kong ma-clear ang bonfire area bago ako bumalik sa retreat house namin. Akala ko ay tulog na ang lahat dahil tahimik na ang gabi pero noong palapit na ako, nakarinig ako ng mga kagikhik. Naabutan kong naghihintay sina Mika at Kim sa akin sa may mga hagdan ng retreat house.
"Ara! Anong nangyari? Ang tagal mo. Inantok na kami kahihintay." Excited na tanong ni Mika sa akin noong tumigil ako sa tapat nila. Ang lapad pa ng ngiti ng prinsesa. Nasabi na siguro niya kay Je yung tungkol sa pagpayag niya sa panliligaw nito.
Pati si Kim ay nakangiti rin akong sinalubong. Nakalabas pa ang ngipin at gilagid niya sa sobrang excitement. "Kumusta? May boyfriend ka na ba?"
Hindi siguro nila napansin na namumugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kanina. Medyo madilim kasi sa pwesto namin. Pakiramdam ko habang naghihintay sila ng sagot ko, maiiyak na ulit ako. Sumakit ang lalamunan ko habang nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila.
"Guys.." My voice shook and tears instantly swarmed around my eyes.
Napatayo si Mika at hinawakan ako sa braso. "Uy Arabelles, bakit?" Worried niya na tanong.
Bakit palang ang tanong ni Mika sa akin, naluha na ako. Hindi ko na naintindihan pa ang iba nilang tanong dahil puro iyak na lang ang ginawa ko. Hindi ko namalayan ang oras, alas dos na naubos ang luha ko. Naghintay naman sina Kim at Mika hanggang sa magkwento na ako. Hindi sila makapaniwala na nagawa yun ni Pong. Yung akala naming lahat mutual na, ako lang pala ang tangang umaasa. Hay.
Noong sumunod na araw, hindi maitago ang pamamaga ng mata ko dahil sa pagluha. Pinahiram ako ni Mika ng sunnies niya upang maitago ko ang swollen eyes ko. Pumipila na kami para sa pag-akyat sa bus na maghahatid pabalik sa amin sa city. Nakaupo ako sa may flower box malapit sa parking area. Hinihintay ko sina Mika na pumila para sa snacks namin. Katatapos lang nila magbreakfast ni Kim pagkain na naman ang inaatupag nila. Naappreciate ko naman sila dahil nakipagpuyatan sila para icomfort ako sa first heart break ko. Ano na ang gagawin ko ngayon?
Paano ko haharapin si Thomas nito? It's not like this would be awkward. Una, binawi ko naman yung sinabi kong mahal ko siya. Iniisip ko e, could my heart really deal with this whole thing?
I think I like her.
Damn. There are million reasons to like her. Paano kung gusto talaga siya ni Thom? Tapos paano kung dumating pa sa point na liligawan na niya? Hindi na 'yon malabo e halos parati na silang magkikita ngayong Summer Break dahil nga sa part time thingy ni Pong. Tangina. Kakayanin ko ba na makita siyang masaya sa piling ng iba?
Naramdaman kong may kumalabit sa likod ko habang nasa gitna ako nang pagmumuni-muni.
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.