The rest of that day felt like a dream to me.
After ng confrontation ay hindi naman kami nakapag-usap ni Thomas nang kami lang. I reckoned that it was not the right time to talk about what happened to us (naks may ganun pala oh) and what really happened that night. I was still shaken by the encounter earlier.
Pinakalma ko muna kasi yung sarili ko bago ko inentertain yung ibang kasama nyang dumating. By ibang kasama, I mean Teng, Yeye and Kimmy. Matapos ko kasing ngumawa-ngawa na parang baka, napansin ko na wala na ang tatlo sa paligid. I thought they needed some entertaining so I asked Thomas to come inside the house and much to my dismay, the trio were at home. Very much at home, I found Kim and Jeron in the kitchen while Mika fitted herself on the couch.
Shit. Mamaya mapagalitan sila ni Lola Miriam. Mabait at mahinahong tao si Lola. Minsan lang siya magalit pero sobrang nakakatakot. Yung bibig kasi niya mas malala pa sa sunod-sunod na tira ng m16 rifle ni Lolo Rodrigo. (Sumalangit nawa ang Kaluluwa ni Lolo!)
Nasabi ko na ba na dating sundalo ang Lolo Digong ko? Ayan nga oh, may black and white selfie sila ni Lola habang may hawak siyang rifle. Kinuha yun around late 1950s, first date nila sa barracks. Sweet 'no?
Nakatayo ako sa area ng bahay kung saan tanaw ko si Mika at sina Kimy sa kusina.
"Hoy, bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.
Walang pumansin sa akin.
"GUYS?" Mabilis akong napatingin kay Mika na abala sa pagseselfie sa couch papunta kina Kimy at Jeron na pinakialaman na ang fridge. Wala pa ring pumansin sa akin. Mga lapastangan!
I was about to scream when Thomas stood near me. Dala niya yung mga naiwang gamit sa labas. "You go get some rest." Sabi niya at saka binaba yung bag ni Kimy sa sahig.
"Ha? Eh pano-"
"We'll be fine." Sabi niya pero hindi nakatingin sa akin.
"Pero-"
He met my gaze this time. "Ako na bahala sa kanila." Sabi ni Pong.
His words and that gesture was enough for me to shut my mouth. "Okay." Sagot ko na lang at saka pumasok na sa kwarto ko.
While I made my way back to my room, I couldn't help but think that if Thomas were a demigod he would probably be claimed by Aphrodite. Aside from his being good looking, the guy has a way with words.
----
When I woke up after midday, I felt reasonably lighter. Mukhang effective pampakalma ang charmspeak ni Thomas. Char. Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa sala kung saan natagpuan ko sila na kumakain ng instant ramen habang nakahilata sa couch at sahig tapos nanonood ng TV.
Dahil nasa second floor kami at wide open ang mga bintana, kahit na sobrang init sa labas ay natatamasa pa rin namin ang ihip ng hangin. Nakalapit na ako sa kanila nang biglang mamatay ang TV. Ito na naman yung scheduled brownout nila. Nakaraang araw pa 'to nagsimula. Tuwing hapon kung magbrownout dahil na rin sa inaayos nilang linya ng kuryente. Actually, medyo naenjoy ko yung pagpunta-punta ko sa Sweet Vicky kahit na nakakabadtrip si SMP kasi may generator sila 'don. Dito sa bahay wala, para tuloy akong sinisilaban.
![](https://img.wattpad.com/cover/63063034-288-k110697.jpg)
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.