"Number 8, anong problema?" Dinig kong tanong ni Coach Ram na direktang nakatingin sa akin nung napatawag siya ng technical time out ng crucial 5th set. Score is 13-11, in favour of us.
I blinked. Tumutulo na ang pawis ko mula sa noo pababa sa mata ko. Mukha na siguro akong naiiyak. I wiped my sweat. Nasa Finals na kami na ng District Games na nagsimula kahapon. Kalaban ng St. Catherine High na siyang school namin ang Austin High School. Amin na ang 2nd set pero nagrelax ata ang team nung 3rd set kaya naman nakuhanan kami ng AHS. Nawalan kami ng communication by 4th set kaya nakuha rin yun sa amin. Ngayong 5th set na, lamang na kami pero humahabol pa rin ang kalabang team.
Itong laban na ito ang magdedetermine kung makakasama ba kami sa Provincial Games, tapos sa Regional bago ang Palaro.
Maliban sa init ng volleyball court, nasa outdoor kami ngayon dahil may PBA event daw sa Sports Center ng City ngayon, kalaban ko rin ang ingay ng paligid. Sa likod namin ang nagwawalang crowd na nasa bleachers na sinasabayan naman ng maingay na pep band, sa harap ko ay mga mga teammates ko at ang mabibigat nilang paghinga. Lahat sila nakatingin sa akin, katulad ni Coach Ram.
"Okay—" umpisa ko. "Kim, wag puro sa akin ang bola."
"Pero ikaw ang best—"
"I know." Sabi ko at natawa sila. I smiled seeing them smile. "But we have to distribute it evenly. Isa pa, hindi lang ako yung member ng team, right?"
Tumango si Kim, "Oks, Kapitana. Copied!"
Tumango si Coach Ram, "At Dawn, wag kang matakot madapa para saluhin ang bola. Kapag misreceive at kailangang habulin, habulin mo hangga't kaya mo. Wag mong sukuan, wag mong tigilan, wag mong hayaang mahulog siya na walang sasalo." Sabi niya sa Libero naming si Dawn.
"HAHAHAHA!" Napahagalpak kami sa tawa. Humuhugot pa si Coach e.
"Is everything clear?"
We all nodded. I thrust out my hand and everybody stuck theirs out with me and we screamed our school's battle cry/cheer. The referee's whistle filled the air and Coach smiled at us in confidence.
Nauna na nang bumalik sina Kim sa court, nakasunod na ako nung tinawag ako ni Coach, "Galang." Hinarap ko siya ulit as I walked backwards pabalik sa court.
"Do what you have to do," he said.
I can't fail this man. I can't fail the whole team. I can't fail myself. I nodded at him.
"Team!" I called nung nasa court na ako. "Let's get it on!"
----
Naupo ako sa bleachers. Katatapos lang ng game at kaunti na lang ang natirang tao sa court. Yung ingay kanina ay napalitan ng katahimikan. Katabi ko ang bag ko, naghahanda na rin ang team para sa awarding mamayamang hapon. Nung nakarinig ako ng yapak na palapit sa akin, napayuko ako. I can't face anyone right now.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.