Bago nga matapos ang June ay naging official couple na si Yeye at Jeron. Kilig na kilig kami ni Kim dahil sa paganap nila at hindi ko alam kung paano ako nakatulog that night. Nagamit ko yung dance number nila ng Sorry ni Bieber para asarin si Thomas at Jeron.
Niloloko ko nga si Jeron kung bakit ba ang dami niyang pa-talent portion kay Mika. Baka ginagawa lang niya yun bago siya mag-audition sa Starstruck o hindi naman kaya nagbabalak siyang mag-train sa Star Magic at stepping stone lang niya ang panliligaw kay Mika para mahasa niya pa ang talents niya. Kung maaalala kasi ay kumanta na siya noon, ngayon naman may pasayaw ang Poste. Hindi ko tuloy mapigil na isipin kung ano ang magiging paganap niya sa anniversary nila next year. Full production kaya ng Les Miserables musical? Mag-aaudition talaga ako bilang Eponine Thenadier.
Anyways, naliwanagan na rin kami kung bakit kinailangan ni Jeron yung tulong ni Jeanine dahil siya nga pala yung in-charge sa Public Announcement System ng school this year. Siya yung nag-play ng kanta sa gym. Hahahaa. Tapos ewan parang meron pang article 'to sa school magazine na isusulat ni Jeanine tungkol sa Teen King and Queen ng St. Catherine High.
Gagawin niya talaga ang lahat para kay Mika. Mapalad si friend. Iba talaga si Teng. Ibang-iba kay Torres. Cheret. Nagkaroon ng instant escort si Mika sa birthday niya which took place few days after their being officially together. Life must be really good.
---
Oh, let's change the previous sentence. Life must be really good... for the people around me.
July na noong mag-sink na marami na nga talagang bagay ang nagbago sa mga buhay-buhay ng mga tao sa paligid ko. Hindi naman ganun kabigat na mga pagbabago pero enough yun to make me pause and think about life and the changes it brings as one grows up.
Hindi na madalas na umuuwi si Kuya sa amin kapag weekend. Iniisip ko na dahil malapit na siyang gumraduate at baka busy siya sa school pero kapag nakikita ko ang selfie nila ni Ate Jen sa IG, napapaisip ako. Lagi pa rin naman niya akong kinukulit sa viber tungkol sa mga nangyari sa araw niya na wala naman akong pakialam pero parang may kulang pa rin. Hindi naman ako sobrang nagdadamdam, medyo naiintindihan ko rin naman siya.
Yung isa ay may kinalaman naman sa mga kaibigan ko. Dati kapag weekend, kung hindi si Jeron ang kasama ko na nanonood ng movie, nagba-bike sa area namin, o tumatambay sa roof top, si Mika ang kasa-kasama ko. The table has quickly turned this time.
Silang dalawa na ang magkasama ngayon. Dahil lakad nila 'yon, hindi kami kasama ni Kim.
Tumambay na lang kami ni Kimy sa Coffee Bay habang gumagawa ng assignment namin na dula kay Miss Gumabao. Isu-submit na kasi 'to sa Lunes kaya naisip namin ni Kim na sabay nang gumawa dahil hindi naman makakasama si Mika sapagkat may date sila ni Jeron. Coffee Bay ang napili namin kasi magpapatulong din ako kay Bes. Member siya ng theatre ng University, baka may makuha akong insight sa kanya kung paano gumawa ng dula. Tapos syempre, nandito rin si Thomas... Kailangan ko ng inspirasyon habang nagsusulat 'no.
Pero yun nga lang, iba naman talaga ang expectation sa reality. I looked around and realised that... Wala ata akong mapapala sa kanila. Nandito si Thomas pero busy siya sa counter.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.