#16

3.8K 151 37
                                    




forever /fə-'rev-ər, fȯ-; fə-'e-və/

noun

An extremely long time; a time that seems to last forever


--- 


Sabi ni Merriam-Webster mahabang panahon daw ang forever. Ayon naman kay Hazel Grace Lancaster, she found forever within numbered days. Yung ibang naman ay naniniwalang walang forever. Pero iba ang sa akin... I had my forever in eight seconds.


"Pengeng eight seconds." Pakiusap ko. Nanlalamig ang mga kamay ko noong hinawakan ko siya pero wala nang atrasan 'to. Bahala na masapak, matulak, masipa masigawan.


I buried my face to his chest as I hugged him tightly. I counted the numbers mentally while Thomas kept his mouth shut.


Eight.. Ang bango niya nyeta.


Seven.. Parang pader pala 'tong chest ni Pong. Ay ang manyak mo, Ara!


Six... Medyo matangkad pala siya ng two inches sa akin.


Five... Bakit di na siya gumagalaw?


Four... Wala man lang bang embrace dyan, Thomas?


Three... Ang lakas ng kabog ng puso ko. Shet.


Two... Kaso sobrang lakas. Kinakabahan din kaya si Thom?


One... Send EXTEND to 8888. Shutanginamers. Huhuhu


When my mental count down ended, Thomas poked my arm. "Ars?"


At doon na lamang talaga ako natauhan. I did the most stupid thing to do. Niyakap ko si Thomas. My cheeks flushed as I finally realised my crazy act. Hindi ka man lang naghanda ng backplan. Anong gagawin ko ngayon? Anong sasabihin ko sa kanya? Ang tanga mo naman, Ara. Bakit mo ba niyakap? Ganyan ka na ba ka manyak?


I glued my face to his chest. Isip. Mag-isip ka nang alibi!


"ARAY!" Iyak ko at saka sumandig pa kay Thomas. Kunwari nawalan na talaga ako nang balanse.


"Anong nangyari?" Tarantang tanong ni Pong sa akin. Hinila niya ako sa may upuan sa shed.


Hinawakan ko ang binti ko, "Aray! Ang sakit nito. Akala ko namamanhid lang kaya humingi ako ng eight seconds pero masakit talaga."


Convincing na ba 'yon? Hay ewan!


Naupo si Thomas sa ground at pinulot ang isinantabing si Turt at pinaupo sa tabi ko. In-stretch niya ang kaliwang binti ko, "Ito ba?"


"Hindi. Yung kabila!"


He quickly moved his hands to my right shin. "Anong nangyari?"

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon