Never underestimate the heart... Liver, kidneys, small and large intestines, bones, fist, and legs of a Volleyball player.
Never talaga. Hindi ko alam kung saan namin kinuha ang lakas naming tatlo. Hampas, sabunot, kalmot, sampal, tapik—lahat ata yan naipadama namin sa kanila. Yan naman ang hinanap nila the moment na sinugod nila kami. Natikman tuloy nila ang batas ng api.
Walang tulak kabigin si Kimmy sa kakasipa at suntok. Syempre di rin nagpahuli si Mika. She isn't a swagger for nothing. Samantalang ako... Given na ako na walang uurungan.
Recruiter talaga 'tong si Black Barney. May game plan ang kumag sapagkat inuna muna isalang ang minions niya. Talaga nga namang nakakagigil sila. Panay ang kuda kahit na nabugbog na namin.
"You whore!" Sigaw ni Muscled Girl na hindi maabot ang buhok ni Mika dahil mas matangkad si Prinsesa sa kanya.
"Spell WHORE!"
"MALANDI KA!"
"Nganga! Tatapikin ko yang tonsils mo!" Dinig kong sabi ni Mika sa kanya at saka siya pinaikot-ikot habang hila ang buhok.
Sa kanan ko naman ay si Kim katunggali si Skinny Girl.
"Kung umarte ka akala mo ang kinis kinis mo!"
"Sinabi ko ba? Ha? Sinabi ko ba?" Kimmy screamed. When the Skinny Girl charged, I seriously thought her bones would dismantle.
Walang kahirap hirap naman ako kay Ate Guy. The moment I grabbed her hair with my claws, I didn't let go. Ganun kasi yun, kapag sa'yo na, hawakan mo at wag mo nang pakawalan. Kapag sa'yo na, ipagkait mo na sa iba... Wag mo na bitawan. Chos.
Kung mas mahaba pa ang playing time, baka na-braid ko pa ang mga buhok nilang tatlo. When we were done with them, si Black Barney na ang pinagtuunan namin ng pansin. Wala nang trashtalk trashtalk dahil sayang sa oras. Sinipa ni Kim si Barney na naging dahilan sa pagtumba niya. When he's in the ground kanya-kanyang tira na.
Kung hindi lang kami nahuli ni Sir Espejo na napadaan sa area para sa meeting niya, wala pang umawat sa amin. Syempre dinala kami sa faculty room. Laking gulat ni Sir Benj na class adviser namin nang malamang sangkot kaming tatlo. Pinatawag din ang Adviser ng minions at doon nalaman na outsider pala si Black Barney at nanghiram lang ng uniform para makagawa ng eksena sa loob ng school. Tinawagan agad ang school ni Black Barney to inform them about what he did. As for the three, crime of passion pala ito. Si Muscled Girl ang may plano nang lahat. Dahil siya ay obsessed kay Je, hindi niya tanggap na si Mika ang niyaya nito for Prom. I heard she also asked Teng but the later refused. Si Skinny Girl at Ate Guy naman ay naging accessories of the crime.
Nag-usap ang mga teachers kung ano ang gagawin sa amin. In the end, nag-decide sila na kapwa first offense namin 'to for unruly behaviour inside the school premises, we will receive detention.
"Two weeks detention, after class for you three." Sabi ni Sir sa kanila. I hid smile. Hahaha. Humarap si Sir sa amin, "One week sa inyong tatlo."
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.