#24

4.2K 186 55
                                    




And so we trained a little and played harder while we were in Dagupan for the National Games. Syempre, solid pa rin ang Pampanga Squad with Jeron, Kimy and the light of her life, Almond. As for Pong, stable naman kami. Stable na walang ganap dahil balita ko busy siya sa trabaho niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung ano yung pinag-iipunan niya na kayod kalabaw ang Pagong. Huli niya akong tinext two nights ago. Sinabi lang niya na may sikreto daw siya. Bago humopia ay tinanong ko agad kung ano. Napakagwapo daw niya. Muntik na akong mag-agree pero napigilan ko si self kaya naman isang malutong na, "Gago." Ang natanggap niya mula sa akin.


Ang sweet namin sa isa't-isa, hindi kinaya ng mga langgam.


Huling Linggo na noon ng Abril. Nasa Dagupan pa rin nga kami for the games. Kakatapos lang ng isang nakakapagod na hapon para sa team. Dahil nakahanap ako ng konting libreng oras, naisip kong basahin na yung libro na hiniram ko kay Daks. Sa kasamaang palad ay hindi ko pa rin ito tapos basahin dahil na rin sa maaksyong training namin last week.


Nang makita ako ni Kim na binubuklat ang libro ay napatingin siya sa akin. "Di mo pa rin tapos?"


"Busy, baks. Kalma ka lang tatapusin ko 'to bago ako matulog tonight."


"Matulog ka na kaya. Baka bukas lutang ka sa laro natin." She said as she positioned herself next to me.


"Ayoko nga." Pagtanggi ko. "Baka may mag-sneak pa mamaya pagtulog na ang lahat."


Nag-violet si Kimy nang marinig ang sinabi ko. Hindi na uso blush dahil sobrang nognog na namin. Violet na lang. Hinampas niya ako ng unan niya at saka tumalikod na. "Matutulog na ako. GOOD NIGHT!"


Natawa ako pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa. Kinuha ko si Turt para itabi sa akin so I wouldn't feel alone. Tulog na kasi ang buong team at humihilik na nga ang iba samantalang ako, nilabanan ang antok para matapos na ang The House of Hades na ito.


I was so fine the whole time. I was so okay while reading. I laughed at Percy's sass and Leo's humor, I've grown caring for the friends Percabeth made down Tartarus, I've been amazed by intense action scenes, I've accepted Nico's preference whole heartedly... Pero nung doon na ako banda sa pages 500 something, yung part na official na nagresign si Jason bilang Praetor para i-promote si Frank doon lang talaga nag-sink in na wala nang nagdudugtong sa kanila ni Reyna. Jason has cut all the ties with her already. The fact that he renounced his post as Praetor of New Rome, parang dinesregard na rin niya ang pagiging Roman Demigod niya, parang pinutol na rin niya ang huling string na nagcoconnect sa kanila ni Reyna. Wala na. Ubos na. Tapos na. Wala na akong kakapitan.


And that was when I started crying. My heart bled and I sobbed in the darkness upon such realization.


Daig ko pa ang nawalan sa buhay. Habang umiiyak ay naalala ko bigla yung sinabi ni Thomas bago ako umalis sa Pampanga. Wag daw akong umiyak. Tapos naalala ko kung paanong lagi siyang nandyan sa tabi ko kapag umiiyak ako. Kahit lagi siyang maraming sinasabing pangbubwisit kapag umiiyak ako I know that it is his silent way of saying everything is gonna be okay.


Pinunas ko luha ko at saka tinawagan na lang siya dahil hindi ako makatulog sa sobrang affected na ako. Magbabaka sakali lang ako na gising pa siya. Wala na kasi akong ibang makausap tungkol sa pinagdaraanan ko.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon