#22

3.8K 154 66
                                    



Magkakasama kaming lima na lumabas. Habang naglalakad, si Bia at Tenten ay nako-control ko pa pero si Jam-Jam... Biglang lumabas ang daldal nang buhat na siya nung Pagong.


Panay ang tanong tungkol sa kwento ko, feeling ko tuloy wala akong kredibilidad sa storytelling. Palihim akong nakinig sa usapan nila habang naglalakad ako sa harap akay sina Bia at Tenten. Grabe yung akay para akong inahin. Okay. Habang kinakaladkad sina Bia at Tenten sa harap.


"Kuya, kilala niyo po yung Prinsesang Maganda?" Dinig ko sa maliit na tinig ng paslit.


"Ha? Hindi e. Sino 'yun?" Thomas asked curiously.


"Yung sa kwento po ni Ate GANDA."


Nanlaki ata ang tenga ko nun sa sinabi ni Jam-Jam. Hindi lang pala numbers ang hindi nagsisinungaling pati mga bata na rin. Well, well, well...


Kaso medyo slow si Thomas, "Sino si Ate Ganda?"


"Si Ate ayun po oh." Turo niya na in-assume ko talagang sa akin. "Si Ate Vicky na na-friendzoned."


What. Ano. When. Kelan. How. Paano. Why. Bakit. Ako. Na. Friendzoned.


Dinig ko ang dugundong ng tawa ni Thomas. I turned red.


"Yung Prinsipe po ng Prinsesang Maganda?" Tanong ulit ng makulit na nilalang. "Kaano-ano niyo po yung Prinsipe? Kamukha niyo po siya."


Syempre dahil hindi naman alam ni Thomas yung isasagot niya ay ngini-ngitian na lang niya si Jam-Jam at hinaharot. Lumabas na lang kami at nakarating sa feeding area ay hindi pa rin siya sinusukuan nung bata. Pakiramdam ko kung hindi magiging scientist 'yun paglaki dahil sa natural curiosity niya, may chance maging entertainment show host yung paslit. Intrigera e!


"Kuya, boypren ka po ni Ate?" Seryosong tanong ni Jam-Jam kay Thomas nang bigyan niya ito nang pagkain.


Pakiramdam ko nasusunog na ang pisngi ko habang nakatalikod at pasimpleng nakikinig sa usapan nila. Abot na abot nang pandinig ko ang pag-chuckle ni Thomas sa tanong niya.


"Ang bata-bata mo pa alam mo na yan? Bakit mo nasabi?" He asked.


"Bagay po kasi kayo."


Stop stating the obvious kid. Hindi ko na ata kaya 'to. Oh jusko.


"JAM-JAM!" I screamed. Nagulat pati yung kaharap kong si Bia at Tenten dahil sa sigaw ko. Mabilis akong umikot at lumapit sa kanila. "Tara, dun tayo sa Ate at Kuya mo." I urged.


"Pero—" The kid protested.


"Wala pa—" Kahit si Thomas din pumipigil.


Anong conspiracy ito?


"Hindi. Ako na bahala." I insisted. "Balik ka na sa kanila." Tinuro ko yung mga ka-committee niya. "I can handle this." I assured him. Alangan pang tumayo si Thomas sa harap namin ng bunso sa tatlong bata, but when I took Jam-jam's hand to lead her to her squad napilitan nang bumalik si Thomas sa mga kasama niya.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon