#6

4.1K 153 40
                                    


Naranasan mo na bang tumayo sa bangin?


Sa mismong edge nun, kung saan malinaw na malinaw at kitang kita mo ang buwan. Tapos yung pakiramdam mo, kaya mo na siyang hawakan. Sa sobrang excitement na nararamdaman mo, natanga ka dahil naniwala ka na malapit lang yung buwan e ang katotohanan naman ay lightyears ang layo nyan sa'yo. Hindi mo namalayan, tumalon ka na pala mula sa bangin para lang mas makalapit, mahawakan siya.


Natural, yung buwan walang pakialam sa'yo. Kaya asa namang sasaluhin ka niyan. Bale ang eksena, free fall lang. Free fall from the cliff with no one to catch you on the ground. At kung wala ngang sasalo sa'yo kapag nahulog ka na, natural lang masasaktan ka.


Sa sobrang sakit, hindi mo na siguro gugustuhing bumangon pa.


Ganyan na ganyan ang pakiramdam ko noong nagising ako Sabado ng umaga. Ayoko na bumangon mula sa kama ko dahil sa sakit... Sakit na nararamdaman ko.


Nanaginip daw ako na nasa bangin ako, nagising ako sa feeling na parang nahulog ako. Kaso nung natauhan na ako, naramdaman ko na sore ang legs ko. Napaisip pa ako kung ano ang ginawa ko kahapon at natamo ko ito ngayon, then I thought of Jeron and of Mika and of my broken heart. Nalungkot ako bigla. Napatingin ako sa study table ko at nakita ang elbow pads na bigay ni Pong. Naalala ko yung pain relief patches niya kagabi. Kinuha ko yun sa bag ko at nilagay ang masasakit na bahagi ng legs ko tapos ay natulog ulit ako.


----


Hindi ako lumabas sa bahay buong Sabado at Linggo. Nagtataka malamang sina Mama at Papa dahil kapag weekends ay hindi ako nababahayan. Either na kina Teng ako or kina Pong or di kaya sa Kalye nina Kim. But for this particular weekend, I just stayed at home. Hindi ko rin ginalaw ang cellphone ko.


I completely isolated myself from the world. Mabawasan man lang ang sakit dulot ng katangahan ko.


Noong sumapit ang Lunes, maagang akong umalis sa amin para hindi ko makasabay si Jeron papuntang school. Normally kasi ay nagsasabay kaming tatlo nina Thomas.


Dahil early January morning iyon, lamig na lamig akong naglakad palabas sa Kalye namin. Mabuti na lang at mahaba ang medyas ko, pero putek ang ikli naman ng skirt ko kaya wala, malamig pa rin. Hindi pa halos ganun kataas ang araw ay umalis na ako sa amin, sinabi ko kay Mama na may early morning training kami sa school. Kaya bilang props, dala ko pa ang set ng training uniform ko.


Yakap yakap ko ang duffel bag na naglalaman ng training clothes ko habang naglalakad papuntang bus station. Naupo ako dun saglit habang nag aabang na rin. Iniisip ko kung paano ko papansinin si Mika mamaya. Sasabihin ko ba sa kanila ni Kim ang totoo? Pag sinabi ko, spoiler na agad sa feelings ni Jeron ang mangyayari. Edi nakaganti na ako! Chos. Hahaha. Pero kung sasabihin ko, masisira ang diskarte ni Je. Ayoko naman nun. Tapos baka isipin nilang lahat na bitter ako. Kung hindi naman, pathetic. Ayokong kaawaan nila ako.


Nakakainis naman. Hindi pa man ako nakakapag-decide ay dumating na ang bus na may rutang papunta sa school namin. I hurriedly went aboard and paid for my fare. Buti na lang at konti pa lang ang pasahero kaya naman bakante ang favourite spot ko sa dulo ng bus, yung malapit sa bintana. Naupo ako dun, tapos nagulat ako kasi yung kasunod ko kanina pag-akyat ko ay umupo mismo sa tabi ko.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon