Nung hapon na yun ay nag-training kami. Tapos ay nagliwaliw down town after school. Pumunta kami sa isang mall at kumain bago naglakad-lakad ulit. Panay ang daldal ni Mika na sinabayan ko rin naman dahil hindi ko maitanggi na namiss ko talaga ang bruha.
We were strolling inside when we happened to pass by a beauty parlor. And out of the sudden, I had an epiphany.
Napahawak ako sa buhok ko na lagpas balikat na. "Daks, I need a hair cut." I told her.
Napatigil na kami sa paglalakad noon sa tapat ng parlor. Habang tinitignan ko ang mga poster na nasa labas, nagkaroon ako ng pakiramdam na kailangan kong magpagupit para sa bagong simula. Kasabay ng pagputol ko sa buhok ko ang paglimot ko sa feelings ko para kay Je. I will be a changed woman. Chos.
Tinignan ako ni Mika na parang nababasa niya ang isip ko. Tapos ay tumango siya at sinabing, "Samahan na kita."
---
I've always wondered why people say that regrets are always in the end. Apparently, I have not experienced regretting over the decisions I've made in my life. Kasi, ako naman ang pumili nun so bakit ako magsisisi?
I don't cry over the spilled milk. It's spilt in the first place. No crying will bring back what is gone.
Pero hindi ko inasahan na ang desisyon na ginawa ko sa buhay nung hapon na pumasok kami ni Mika sa parlor ay pagsisisihan ko.
Nung sinabi ni Mika na sasamahan niya ako, akala ko sasamahan lang talaga niya ako. Pero hindi, nagpagupit din siya. Nanghinayang pa ako dahil mas mahaba ang buhok niya sa akin pero sabi niya magastos na raw sa shampoo at ayaw niyang madalas na nagsusuklay.
In the end, we both had our hair cut. Parehong pixie cut ang pinagupit namin ni Mika. Pagpasok namin sa lunes, pare-pareho na kami ng gupit nina Kim. Maikli rin kasi ang gupit nun. While we were there, we were so convinced that we looked good in our new hairdo. Lalo na ako, damang dama ko ang bago kong buhok. Ngayon lang ako nakapagpagupit ng ganito kaikli in my whole life. I felt anew. Feeling ko talaga ang ganda ganda ko na.
Hanggang umuwi ako sa amin nung at nakasalubong si Thomas na bumibili sa tindihan ni Aling Nena.
"THOM!" Sigaw ko sa kanya nung naglalakad na siya pabalik sa kalye namin.
He spun to look for the person who called him. Inayos ko pa ang bagong gupit kong bangs at pabebeng naglakad papunta sa kanya. Nung nagkatapat kami, he asked me. "Do I know you?"
Sa ganda kong 'to hindi niya ako nakilala?
"It's me.." Sabi ko as I placed a hand over my chest. "Ara."
Wala siyang sinabi.
"Si Vic..." Sabi ko pa ulit to convince him.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanficHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.