I remembered the feeling of falling—both literally and figuratively. Natatandaan ko pa ang mga sigaw nila sa pangalan ko. Naalala ko pa kung gaano kainit ang sikat ng araw sa balat ko. Natatandaan ko pa ang worried face ni Jeron kanina. Tandang tanda ko na in that moment, I have fallen in crush to my best friend.
Punyeta. Babae nga pala talaga ako. May crush na ako. Lalaki pa. Confirmed. Medyo nagduda na kasi ako sa sarili ko. It's been years at wala pa akong normal at legit na taong nagugustuhan. Dagdagan pa ng palaging panunukso nila sa akin being on of the boys. Akala ko talaga wala na. Pero si Jeron.. Si Jeron Alvin. Oh shems. Harts everywhere guise.
Natural na hinanap ko si Jeron when I opened my eyes. Ganun naman yun di ba? Haha. Pero nagulat ako when Thomas's chinky eyes met mine. Mabilis akong napabangon.
"Where am I?" Dagli kong tanong. Narealise ko kasi na wala na kami sa beach. Apparently, I was in my room and I'm with Thomas. Medyo madilim na sa labas. Siguro ay dapit hapon na. Napatingin ako sa suot ko and I made a sigh of relief when I recognised that I'm still wearing the same clothes I had before I lost consciousness.
"You passed out while you were playing earlier." Thomas informed me a little too late for I've finally remembered everything.
"Nasaan sina Mika at Kim?" Mabilis kong tanong.
"Syempre kinailangan ka naming iuwi when you lost consciousness. Dumiretso na silang uwi." He explained.
Huhu. I ended our first road trip tragically. Nakakainis.
"E si... Jeron?" Tanong ko. I hoped I didn't blush brightly when I said his name.
Tumayo si Thomas. "Edi sa bahay nila." He was still grumpy. Ayan na nga oh, napauwi na siya nang maaga bakit parang galit pa rin siya? Nakakainis talaga 'tong pagong na 'to e. Bato talaga ang turing niya sa akin. Hindi man lang ako dinala sa ospital. Walang puso!
"Ba't di niyo ako dinala sa ospital?" Tanong ko sa kanya. "Paano kung na-misplace pala yung neurons ko?"
"OA!" Singhap niya. "I even thought that you were faking it." Sabi niya sa akin matter-of-factly. "Kaya inuwi ka na lang namin. Bibigyan mo pa ng problema ang mga tao sa ER."
"Thom... Grabe ka talaga." Yan na lang ang nasabi ko.
"I know. Sige na, uuwi na ako. Magbihis ka na. Matulog ka na." Sabi niya. Wala man lang care sa boses niya. Pero why the hell do I care if cares about me or not? Kung bato ang turing niya sa akin, edi bato rin ako sa kanya.
"K." Maikli kong sagot.
Nanatili naman siyang nakatayo sa tabi ng kama ko. Nung medyo natagalan na ako sa tayo niya doon, "Oh? Ano pang ginagawa mo dyan?"
"Ha?" He asked. Napahawak siya sa batok niya tapos ay umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/63063034-288-k110697.jpg)
BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.