Hanggang sa makalabas kaming lahat sa Sports Center, hindi pa rin ako makapaniwalang nakatanggap ako ng bulaklak. Ito ang unang set of flowers na natanggap ko in my life. Yun nga lang, walang hint kung kanino man lang galing. Nasaktuhan lang kasi na lumabas si Kim sa locker room at nasalubong niya si Ate Utility Staff ng building tapos may nagpapaiwan daw ng flowers para sa isang member ng team.
I was still in high spirit when we walked out of the building. Nagulat ako nung naabutan ko si Thomas na naghihintay sa ground floor.
"May sundo ka naman pala," Kim commented when we saw Thomas sitting on the bench. Karereklamo ko lang kanina sa dilemma ko about Thomas.
Nung nalaman ko kasi ang bagong training sched at location namin ay nakiusap ako kay Thomas na daanan na lang ako pagkatapos ng training nila sa school. Sabi niya ay pag-iisipan niya pa pero nandito na siya. Ang bilis ha.
His eyes were closed and his earphones were stuck on his ears when I came up to him.
"Hi Thomas!" Bati ni Kim at Mika sa kanya.
He opened his eyes, pulled off his earplugs at binati rin sila, "Hello Mika and Kim!"
"Ba't dito ka?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
He gave me a look, "Akala ko wala kang kasabay pauwi?"
"Akala ko pag iisipan mo pa?" Tapon ko sa kanya.
"Hindi pwedeng nakapagdecide na ako?" Maldito niyang sabi. Ito na naman siya. Meron siguro siya ngayon. Nakakainis ha. Mas malala pa siya magmood swing sa babae.
Maya maya pa ay natanaw na namin ang sasakyan ng Papa ni Mika. Nandito na ang sundo ng dalawa.
"Sige Vic, una na kami. Ingat kayo pauwi!" Paalam nila bago ay iniwan na lang kami ni Thomas. Nakaalis na rin ang ibang members ng team kaya kaming dalawa na lang ang naiwan doon. Hindi pa ako umalis agad kasi gusto kong mapansin niya ang hawak kong flowers.
Pero medyo matagal na akong nakatayo dun hawak ang flowers ko ala Miss Universe kaso hindi pa rin ako pinapansin ni Thomas.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Tanong niya. "Pagod na ako."
Anak ng tinola nga naman.
"Ganun ba? Okay." Sabi ko at purposely swinay ang flowers sa harap niya. Yun nga lang, napalakas ata at nahagip ang pisngi niya ng buds nung roses.
"What the fuck, Ars!" Inis niya na sabi saka hinawakan ang pisngi niyang nahagip ng swaying moves ko. "Inaano ba kita?"
"Ay, sorry Thom!" Agad ko na bawi.

BINABASA MO ANG
Slobby Firsts
FanfictionHow messy could one's firsts get? Eighteen year old crazy Ara tells us the riveting tales of her Slobby Firsts.