#14

3.8K 138 39
                                    



Few days later...


"Class, I will dismiss you early because the practice for the dance starts today."


My classmates giggled as the topic was brought up by Ms. Cruz. Paglabas ni Ms. Cruz ay sabay sabay na silang nagtayuan para lumabas na rin sa room at hagilapin ang partners nila. Ako lang ata ang hindi excited. Paano ako magiging excited kung few days before the dance ay wala pang nagyayaya sa akin?


Hindi ko naman kailangan nang gwapong partner, nang maaksyong prom proposal, pero wala pa rin talaga. Ako lang ata ang bukod tanging walang partner sa room. Maliban sa katabi ko.


"Kimmy.."


"Bakit?" Tanong niya.


I frowned. Wala ring partner si Kim pero dahil asexual sya hindi ito issue sa kanya. Wala naman kasi siyang balak sumali sa mismong dance. Dahil required ang pagbabayad naming, babawi na lang daw siya sa pagkain. Kung katulad ko lang sana si Kim kaso hindi. Sa akin kasi malaking bagay ang prom.


"Baka naman may wala pang partner sa ibang year?" Kim asked although alam naman naming na wala na talaga. Kung meron man ay ito na ang mga Super Losers.


I sulked on my desk feeling depressed. "Bakit nangyayari sa akin 'to?"


"Hindi ka ba niyaya ni Thomas? Sino partner ng Pong mo?" Kim.


Kumulo ang dugo ko nang marinig ko ang pangalan ni Thomas. Naghintay ako nang ilang araw para yayain nya sa dance pero wala. Wala man lang akong napala. Kung hindi sana ako naghintay as kanya, may nauto pa sana akong freshman para makadate ko sa prom. Kaso wala na, huli na ang lahat. Lahat ng prospect dates ko ay nakuha na nang iba. How ironic na ako ang nawalan ng partner by the time na magsisimula na ang practice for the event.


"Paasa yung hayop na yun. Wala atang balak sumali." Kwento ko. "Niyaya na siya nung freshmen na member ng Glee Club, si Jessica Margarette pati yung badminton player na si Maddie. Tinanggihan niya. Asa pa ako na aattend siya." Bitter ko na remark.


"Niyaya talaga siya?" Tanong ni Mika na hindi pa rin umaalis although lahat halos ng mga kaklase namin ay nasa labas na.


I nodded.


"Oh? Ang gwapo naman talaga ni Papa Thom." Kim said.


Gusto ko rin tumango pero naalala ko na hindi pa alam nina Kim at Mika itong bago kong pinagdaraanan. Sa ngayon, hindi pa ako handing idisclose sa kanila ito.


"Daks, paano kung kaya siya tumatanggi kasi may hinihintay siyang magyaya sa kanya?"


"Sino naman?" nakataas ang kilay ko na tanong.


Mika answered my question with another question, "Sino pa ba?"


"Sino nga ba?" Tanong ko rin.


"Edi ikaw. Gaga! Paano kung hinihintay ka lang nya na magtanong sa kanya?"

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon