#35

3.1K 166 11
                                    


Hindi ko maexplain kung ano yung ibig sabihin ng changes kay Thomas. Seriously, he is becoming more baffling as days passed by. Hindi ko na siya maintindihan. Pati feelings ko para sa kanya, hindi ko na rin maintindihan. Gusto ko lagi ko siyang nakikita kahit na wala namang nakakatuwa sa mukha niya. I feel so pathetic.


Today, I decided to hangout with the girls. Lately kasi napapansin ko kahit magkakasama kami lagi, wala yung essence ng bonding. Aminado rin sina Mika at Kim na medyo nawawalan na kami ng quality time together-hindi na kami nakakapaglakwatsa, kumakain, tumatawa, nambubully at nanlalait together since naging sila ni Jeron, nabusy ako sa play at naging recluse si Kimy (recluse translated as chatting with Almond). Ngayong araw, sinadya naming ilaan ang hapon na ito para sa isa't-isa. Cheret.


Gumala-gala kami sa mall. Panay ang kulit sa akin ni Mika habang papasok kami sa mall entrance. Kapansin-pansin naman ang pagiging matamlay ni Kim. Medyo masaya naman siya pero hindi siya ganun kahyper tulad namin. Bumili kami sa paborito naming fruit tea stand matapos naming mang critique ng mga libro sa bookstore. As early as mid-September, nag-iisip na kami nang matinong gawin sa sem break.


"Balik tayo sa Magalang." Sabi ni Mika. "Miss ko na si Lola Miriam!" Pabida niya.


Nasa foodcourt na kami ngayon ng mall. We occupied a table for four. Magkatabi kami ni Mika samantalang nasa harap naman namin si Kim na katabi ang silya kung saan nakapatong ang mga bag namin.


"Si Lola o ang pastillas de leche?" I asked.


Napakapit si Mika sa braso ko, "Pwede both?"


"Tse!" Inis kong sabi. "Sa iba na lang... Yung hindi pa natin nararating. Sino kasama?"



"Syempre tayo-tayo." Sabi ni Mika.


"Pwede ko ba isama sina Bes at Arra?" Tanong ko. Medyo naging part na rin kasi ng squad namin yung Jayra. Maliban kasi sa lagi kaming tambay ng Coffee Bay ay friends na rin kami sa Facebook.


"Whoaaaa." Manghang sabi ni Daks. "Bago yan ha. Changed woman na ba, Vicky?"


I grinned. Napatingin ako kay Kim na nakabusangot sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na mukhang hindi maganda ang pakiramdam n gaming Reyna. "Kim, you okay?"


Umiling siya. Napasimangot pa nga. Napahawak siya sa tiyan niya. "Guys, gusto ko na umuwi." Rarason pa sana ako na maaga pa pero muling nagsalita si Imy, "I'm not feeling well."


Napansin ko noon na namumutla siya. "Ano bang sakit mo?"


Kim looked at me. Pinagpapawisan na ang noo niya. She looked really pale. "First day ng pagkababae. Babae nga pala talaga ako. Tungunu."


Syempre naiintindihan ko si Kim dahil babae rin ako. Naks! "Daks, samahan mo pauwi si Kim." Pakiusap k okay Mika.


Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon