#25

5K 194 92
                                    


I took a step back, turned and ran with no clear destination at all. Tears were streaming down my face. Mabuti na lang at naka-sneakers ako. I do not have to struggle. I ran and I ran until my feet got tired. I didn't realise na ang layo ko na pala. Natigil ako sa pagtakbo nung muntik akong mahulog sa man hole. Natauhan ako ng very light sa kaartehan ko at napatambay na lang sa may isang deserted playground. While I sat there, panay ang iyak ko.


Pakshet. Kung alam ko lang na iiyak at iiyak lang ako dahil kay Thomas sana hindi na lang ako nagkagusto sa kanya. Dati siya ang kasama ko kapag umiiyak ako. Ngayon siya na mismo ang iniiyakan ko. Ang sakit sakit na talaga. Tuwing makikita ko sa vision ko ang mukha niya naiiyak na agad ako. I'm hurting more than a freshly torn ACL.


Nung pagkakataon na yun, pinamukha talaga sa akin ng langit na mag-isa ako. Literal at figurative na rin. Figurative in the sense na wala e... I had no one to turn to. Di ko pwedeng tawagan ang mga magulang ko na sunduin ako dahil magtataka ang mga yun kung bakit hindi kami magkasama ni Thomas. Hindi rin pwede si Jeron kasi malamang magtataka yun kung bakit ganito ang ayos ko. Maoobliga pa akong magpaliwanag sa kanya, malaman niya pa ang reason behind. Ayoko na rin guluhin sina Mika at Kim dahil napaka loser ko na at feeling ko burden na rin ang emotional burden ko sa kanila. Ayoko na mandamay pa ng ibang tao sa pinagdaraanan ko. Sad life.


I heaved a sigh as I stared blankly feeling pathetic more than ever. Napatingin ako sa relo ko at nakita kong alas ocho na noon. Ibig sabihin halos dalawang oras akong tumakbo? Posible. Nararamdaman ko na ang sakit ng mga binti ko. Pahiwatig na ba ito na dapat na rin akong magpalit ng event next year?


Pinilit kong i-divert ang attention ko by looking at my paligid. Medyo malapit pala 'to sa isang elementary school kaya naman may playground. May isang business establishment din sa malapit, may minimart sa kanto tapos yung kalsada na paliko sa kanan, dun ata yung daan papunta sa Ritz Residences kung saan nakatira yung mga affluent family dito sa lugar namin.


Sa kaliwa, doon ako nanggaling. Ang layo nga pala talaga ng narating ko. Lumalalim na ang gabi. Dito na lang kaya ako matulog? Naisip ko nun na itext na lamang sina Mama na wag na akong hintayin dahil hindi na ako uuwi. Expecting pa naman yun sa date daw dapat namin ni Pong. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanilang lahat. Magpapagala gala na lang ako sa kalye. Bale, ako yung pinakamagandang palaboy sa kalye.


Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone at saka ko lang napansin na wala yun dun. Nawawala ang cellphone ko??


"Anak ng kamalasan." Usal ko. Irita akong napasipa sa ground at saka pinunas ang mukha kong basa sa luha.


"You okay?" Biglang tanong ng boses ng lalaki. "Nahulog mo 'to o."


Una akong napatingin sa inaabot niya sa akin. It was my phone. "UY AKIN YAN!" I exclaimed at mabilis na kinuha yun sa lalaki. Bubuksan ko sana ang cellphone ko nang makita ko ang missed calls ni Thomas. He was trying to call me. Nakita ko rin ang ilang mensahe mula sa kanya. Nagtatanong kung nasaan na ako. Nagsasabi na naghihintay na siya. Nangangakong maghihintay pa rin siya. Sumikip ang dibdib ko nang muling sumagi sa torete kong pag-iisip si Thomas.


Oh tapos ano Victonara? Sasagutin mo yung tawag niya? Irereply mo yung text niya na parang walang nangyari? Ganun na lang? Matapos mong masaktan ganun na lang? Tapos pagkatapos ano? Okay na naman kayo? Tapos aasa ka na naman? Tapos pagtapos mong umasa masasaktan ka na naman? Di mo pa ba nakikita? Umiikot lang kayo Ara. Ginagawa kang gulong. E hindi ka naman gulong. Ang ganda mo kaya para maging gulong.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon