#5

3.7K 169 66
                                    


Alas siete na pero nasa school pa rin kami. Hindi pa kami nakaalis sa gym simula kanina. Nakaupo ako ngayon sa bleacher at katabi si Thomas na katabi ang bag ni Jeron. 


Kanina pa kami nakaupo doon pero walang imikang nagaganap. Nilamon na kami ng awkwardness. Kung bakit kasi kay Thomas ko pa nasabi ang lahat. Nyeta talaga. Parang gusto ko na ipatanggal 'tong mukha ko. Hindi ko na ata siya kayang tignan. Kapag sinabi niya 'to sa iba, sigurado pagtatawanan nila ako. Isipin pa ni Jeron, joke lang lahat. Kailangan makuha ko muna ang loob ni Thomas para hindi mangyari yun. I cleared my throat before I called his name.


"Pong.."


Kaso sabay sumabay rin siya sa pagtawag sa pangalan ko.


"Narra.."


Nagkatinginan kami dahil doon, nag init ang pisngi ko dahil naalala kong muli yung hitsura niya kanina. Sht. I looked away and he did the same. Leche naman oh.


"Nasaan si Jeron?"


"Bakit si Jeron?"


Sabay ulit namin na tanong sa isa't-isa. I glared at him this time, bakit ba ako sinasabayan nito?


"Magpaka-gentleman ka naman kahit minsan. I'll go first!" Lakas loob kong sabi. "Nasaan si Jeron? Di ba dapat siya yung sasabay sa akin? Ba't dito ka? Ba't ikaw? Bakit kasama mo yang bag niya?" Turo ko sa itim na back pack na siyang punot dulo ng lahat ng kahihiyan ko ngayong araw.


Nilipat ni Thomas ang bag ni Jeron sa space sa pagitan namin. "Iniwan nya 'to kanina. Ako na lang daw magdala pauwi, nagmamadali kasi siyang umalis."


Napataas ang kilay ko. "Ganun ba? Tinext ko kasi siya. Sabi ko sabay kami."


"Oo nga, nabanggit niya. Kaso biglaan yung lakad niya kanina kaya nga nirequest niya na ako na yung dumaan sa'yo."


So inutusan pala ni Je si Thomas na daanan ako kasi hindi siya makakarating. How sweet naman. Pero mali pa rin talaga.


"Sana tinext na lang niya ako." Bulong ko. 


Nagulat ako nung nagsalita si Thomas para sagutin ako. "Wala siyang load."


"Sana nakitext sa'yo?" I suggested.


"Dead batt ako."


I bit my lip. Anong forces ba ang nagconspire para hindi ako mapaamin kay Jeron ngayon?! Nakakainis ha! Siguro nalangin ng taimtim itong katabi ko. Masyado siyang kontrabida. Kung gusto niya si Je, bakit kailangan mangsabotahe? Tsk.


"Is it my turn now?" Tanong ni Thomas na pumutol sa train of thoughts ko.


I nodded. 


"Bakit si Jeron?" His voice was deadpan when he asked me his question.

Slobby FirstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon